Fans

Monday, September 3, 2012

After All


By: Revelations (M2M Untold Stories)


Gano na nga ba katagal simula ng naging kami ni Jeff? Nung una, hindi ko akalaing tatagal kami ng ganito. Ni hindi ko nga inisip na magugustuhan namin ang isa’t isa. Pero minsan, tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para makilala mo yung taong magpapabago sa’yo at magbabago para sa’yo at yung taong tatanggapin ka kahit ano pa man ang pinagbago mo.
Isa na ata si Jeff sa pinakatarantadong tao na nakilala ko. Siya yung tipo na mang-aasar kahit wala ka naming ginagawa sa kanya. Siya yung typical bully. Sa kasamaang-palad, isa ako sa mga nabiktima nya.
Pano nga ba kami nagkakilala nitong si Jeff? Basahin nyo at damayan nyo ko sa mga naging paghihirap ko (syempre sa umpisa lang naman ‘to)


ANG SIMULA
Fourth year college student na ko at kumukuha ng kursong BA Mass Communication. Na-stereotype na ata sa mga lalaking kumukuha ng mass comm na mga bading. Hindi ko naman masisi yung iba kasi marami talaga samin eh bading na lantad at proud sa sarili nila. Well sa university na pinapasukan ko naman eh talagang liberal ang mga tao at walang takot na pinapakita kung ano sila. Pero siyempre, may mangilan-ngilan pa rin na talagang ginagawang lihim ang katotohanan. Isa ako doon sa mangilan-ngilan na ‘yon.
Nag-aaral ako sa isang malaking unibersidad sa Quezon City. Sabi nila, ito daw ang pinakamagaling na school. Minsan yun din ang nasa isip ko, pero minsan naiisip ko na pareho lang naman yung tinuturo sa’min sa tinuturo sa ibang school. Sadyang angat lang kami ng konti dahil ang university daw naming ang National University. Naiisip ko tuloy, ano na kaya itsura ng mga posters na pang elementary na nagpapakita ng mga national symbols ng Pilipinas. Andun na din kaya ang litrato ng istatwa ng lalaking nakahubad at nakataas ang mga kamay?
Simula ng pumasok ako sa school ko ngayon, namulat ako sa iba’t ibang bagay. Yung mga bagay na akala ko dati eh mali at walang gumagawa, dito parang ok lang. Nanggaling kasi ako sa high school na pinamumunuan ng mga pari. Part pa nga ako ng Campus Ministry dahil choir member ako. Kaya ibang iba talaga yung environment nung nagcollege ako.
High school pa lang medyo alam ko na kung ano talaga ako pero hindi ko pa lang tanggap sa sarili ko. Kaya nga nung nasa 4th year ako, nagkaron ako ng dalawang girlfriends at naging malaking issue pa yun dahil muntikan ko ng pagsabayin yung dalawa. Siguro ginawa ko lang yun para iassure yung sarili ko na “oo, lalaki nga ako.” Pero wala rin naman naitulong ‘yun eh.
Hindi ako ‘yung tipo na head-turner. Hindi rin ako ganun katangkaran sa height na 5’ 7”. Moreno, kulot ang buhok. Ang tanging maipagmamalaki ko lang ay yung utak ko na hindi pa naman ako binibigo kahit papano. Hindi ako yung sobrang talino pero pumapasa naman ako sa mga subjects ko kahit minsan kinakalimutan kong pag-aralan sila.
Nung nasa 4th year college ako, kumuha ako ng Street dance subject para sa PE requirement ko. Hindi ako ganun kagaling sumayaw at ilang taon na din mula ng huli akong nakasayaw. Fourth year high school pa yun, nung nagka faculty concert at kami ng mga classmates ko ay nagperform ng dalawang numbers.
Nakaka-intimidate pala sa subject na yun. Hindi kasi ako ganun kabilib sa sarili ko. Madalas, nakakagalaw lang talaga ako pag mag-isa ako. Kaya nga favorite place ko ang room ko.
Ang gagaling sumayaw ng classmates ko tapos may ilan pa na member na ng street dance club ng school namin. So ano na lang ang binatbat ko sa kanila, di ba?
Sa mga panahong ‘to, tanggap ko na kung ano ako. Kakabreak lang naming ng girlfriend ko. Hindi kami ganun katagal, three months lang. Wala pa kong pinagsasabihan tungkol sa ‘kin. Wala din naman kasing nagtatanong kaya wala akong dahilan para sabihin.
May mga classmate akong lalaki sa street dance na talaga namang may itsura. Yung tipong artistahin. Yung iba eh malakas lang talaga yung appeal. May isa akong classmate na member ng street dance club na gwapo sana, kaso halata mong suplado. Siya yung tipo na katatakutan mong lapitan man lang.
Madalas akong nalelate sa PE ko dahil yung subject na pinapasukan ko bago nito eh napakalayo ng building. Kelangan ko pa mag-jeep para makarating sa gym kung saan ang PE classes.
Dahil nga late ako dun na ako sa likod pumuwesto. Hindi ko napansin na yung lalaking suplado yung nasa unahan ko.
Umpisa na ng class. Ang daming tinurong steps ni sir. Hindi ko makuha agad lahat. Nagmasid masid ako sa mga katabi ko. Ang gagaling nilang lahat. Lalo ko nang hindi nakuha yung steps. Halos mabuhol na yung mga binti ko at braso. Minsan natatamaan ko pa sarili ko. Sinusubukan ko talagang makuha yung steps ng bigla akong nawalan ng balance at natumba.
“Aray! Ano ba ‘yan, tatanga tanga,” sigaw ng lalaking suplado sa unahan ko. Nasipa ko pala siya nung tumumba ako. Ang sama ng tingin niya sakin. Ni hindi man lang niya ko tinulungan makatayo. Umupo siya sa bench at hinilot yung kanang binti niya na nasipa ko.
Tumakbo papalapit sa akin yung professor namin. Tinanong kung ok lang ba ako.
Tinanong ko din sarili ko, “Ok lang ba ako?” Mukha naming walang nabali. Pero yung kahihiyan ko lang, naku, parang gusto ko ng idrop yung subject na ‘to. Tsaka nasira na yung plano ko na wag papasukin sa buhay ko yung lalaking suplado. Pero sa tingin ko, dahil sa nangyari ngayon, hindi na nya ko titigilan.
Nakita ko na siya isang beses sa Arts & Letters building na may inaaping freshman. Gusto ko na sanag isumbong pero naisip ko, wala na kami sa high school. Baka kapag sinumbong ko eh ako naman ang pagtripan. Parang ang selfish ko. Sorry naman.
Nung sumunod na PE class ko, ok naman, walang masamang nangyari. Yun ang akala ko. Pagkatapos ng klase dumiretso ako sa CR kung saan andun din yung mga lockers na pwedeng gamitin ng kahit sinong estudyante basta PE time nila. Pagtingin ko sa locker ko may nakadikit na papel at may nakasulat na “LAMPA!!” Alam ko na agad kung kanino galing yun dahil pumasok na din ng CR yung supladong lalaki at nakita ko siyang ngumingisi habang nakatingin sa akin.
Kinuha ko na lang agad yung papel at pinasok sa bag ko. Kinuha ko na yung gamit ko sa locker at dali-daling lumabas ng CR. Dumiretso agad ako sa susunod kong klase.
Nainis talaga ako sa nangyari pero hinayaan ko na lang dahil wala din naming magagawa yung pagkainis ko. Pagdating ko sa room ng susunod kong class, tumabi agad ako kay Mike, isa sa pinakamalapit kong kaibigan nung college.
“O bakit parang mainit ulo mo?” tanong sa akin ni Mike.
“Ah wala lang, mainit lang kasi panahon sa labas.”
“Ganun ba? Gusto mo bilhan kita tubig?”
“Huwag na Mike. Nakakahiya,” tugon ko. Napakabait talaga ni Mike sa lahat ng kaibigan niya. Hangga’t kaya niya, tutulong siya. Magkapareho kami ng course ni Mike. Pareho din kami ng kinabibilangang organization kaya madalas kaming nagkakasama at dun kami naging close.
Hiniram ni Mike yung notes ko sa class namin kaya kinuha niya yung bag ko at siya na raw ang maghahanap. Nakita niya yung papel na nakadikit sa locker ko.
“Ano ‘to?”
“Ah wala, may nang-aasar lang sakin sa PE. Di ba nakwento ko na sa iyo nung natumba ako last meeting namin kaya ayun may nang-aasar na. Nakita ko na lang yan nakadikit sa locker ko,” paliwanag ko.
“Kilala mo kung sino may gawa?”
“May idea na ko kung sino pero hindi pa rin ako sure. Hayaan mo na, wala lang ‘yan. Totoo din naman kasi eh.”
“Ayan ka na naman eh. Ang baba na naman ng tingin mo sa sarili mo. Lahat naman ng tao nagkakamali. Tanungin mo pa yung prof mo dyan sa PE nyo, sigurado ako nadapa at natumba na rin yan noon.”
“Oo na Mike, hindi naman ako napikon eh. Wag mo na ko bolahin,” sabi ko kay Mike na may kasabay na ngiti. Dumating na yung prof namin kaya hindi na kami nakapagkwentuhan.
Sa sumunod na meeting sa PE class namin, medyo late yung prof namin kaya nauna ako sa kanya. Paupo na ko sa bench na walang nakaupo pero may bag na nakalagay ng may biglang tumulak sa akin sa likod.
“Wag ka nga dyan, baka mamaya masira mo na pati mga gamit ko. Dun ka sa malayo para wala ng madamay sa kalampahan mo.” Si lalaking masungit na naman pala. Ang akala ko talaga eh sa high school lang nag-eexist ang mga katulad niya pero mali ako. May mga nilalang pala na sadyang mayabang lang at masama ang ugali. Pero bilib din naman ako sa kanya, dahil pag inaasar nya ko eh walang nakakarinig o nakakakita. Parang pinagplanuhan talaga.
Gustung-gusto ko na siyang sagutin pero pinigilan ko sarili ko para hindi na magkaeskandalo. Naglakad na lang ako papalayo at umupo doon sa bakanteng bench. Bakit ba naman kasi wala akong kakilala sa subject na ‘to?
Dumating na yung prof namin at pinag-usapan namin yung midterm exams namin. Inagahan ng prof namin na idiscuss yun para makapagprepare kami. By pair daw yung exam. Kelangan gumawa ng routine yung magpair base sa mabubunot nilang steps. By surname yung ginawang groupings ni sir. Magpartner yung magkasunod ang apelyido. Wala akong idea kung sino yung mga kasunod kong apelyido. Bihira kasi magcheck ng attendance si sir kaya hindi ko natatandaan at madalas pagkatawag ng pangalan ko pag nagchecheck si sir ng attendance after ng class, umaalis na agad ako.
“Next pair, Santos, Bryan at Santos, Jeffrey.”
Hindi ko kilala kung sino kapartner ko kaya nilapitan ko si sir para tanungin siya.
“Sir sino si Bryan Santos?”
“Sir sino si Jeffrey Santos?”
Sabay na sabay ang tanong namin kaya nagkatinginan kaming dalawa at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si lalaking masungit ang kapartner ko.
“Sir hindi ba pwedeng magpalit ng partner? Ayoko sa lampa,” Pasigaw na tanong ni Jeff kay sir.
“I’m sorry Jeff pero hindi pwede. Wag ka din masyado mayabang, nakakahiya sa mga kaklase mo.”
Tahimik lang ako habang si Jeff ay kinukulit pa rin si sir na bigyan siya ng bagong kapartner. Napaisip ako. Halos magdadalawang buwan na din kaming nagkaklase pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan ni Jeff. Patunay lang yun na kahit gano siya kagwapo at kagaling sumayaw eh hindi ako interesado sa kanya dahil sa ugali niya. Papaupo na ko ng bench ng bigla akong sinigawan ni Jeff.
“Hoy Bryan, pagod ka na? Bakit ka uupo? Bumunot na tayo ng sasayawin natin sa midterm. Kamalas-malasan nga naman hindi ako pinayagan ni sir. Pag ikaw pumalpak at bumagsak tayo, humanda ka sakin.”
Bumunot na si Jeff ng isasayaw namin. Ang hihirap ng napunta sa amin kaya lalo akong kinabahan. Nung nakabunot na lahat, dinismiss na ni sir yung class kaya dali-dali akong umalis. Ni hindi ko tinanong contact number ni Jeff. Baka kasi kung ano pa isipin.
May two weeks kami para magprepare for the midterm exam. Dalawang linggo ng paghihirap yun para sa akin. Hay.
Pag-uwi ko sa dorm, may tumatawag sa cell phone ko. Hindi nakaregister yung number. Sinagot ko na lang.
“Hoy Bryan, bakit bigla kang nawala kanina? Wala kabang balak pumasa sa street dance? Pwes ako meron,” pagalit na sabi ni Jeff.
“Saan mo nakuha number ko? Sorry kelangan ko umalis agad, may class kasi ako after.” Naiinis na kinakabahan ako habang kausap siya. Naiinis dahil siya yung taong pinaka ayaw ko sa class. Kinakabahan kasi baka may mali akong masabi, may bago na naman siyang maiasar sa akin.
“Kinuha ko kay sir. Bakit may angal? O basta bukas magpractice na tayo kahit ayoko sa ‘yo. Anong oras ba tapos ng class mo?” Mukhang seryoso si Jeff sa kagustuhan nyang makakuha ng mataas na grade sa PE.
“5:30 pa tapos ng class ko. Nasa CMC (College of Mass Communication) ako nun.”
“O sige. Kita na lang tayo bukas. Ayus-ayusin mo ah. Gusto ko mauno yun. O sige, bye.”
Pagkababa ko ng phone, bigla kong naisip na wag na lang pumasok bukas at magkunwaring may sakit. Pero bakas mas lalo siyang magalit sakin.




Pag kagising ko, naisip ko agad yung mangyayari mamaya sa amin ni Jeff. Baka asarin lang ako ng asarin nun. Alas otso na ng umaga at 8:30 ang first class ko kaya dali dali akong naligo at umalis.
Dumaan ng mabilis ang mga oras. Busy din kasi sa mga classes ko sa araw na ‘to. Tapos na last class ko ng maalala ko yung tungkol sa practice naming. Nakalabas na ko ng building. Itetext ko na sana s Jeff para itanong kung saan kami magkikita ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Jeff, naghihintay at kumakain sa mayfishbolan sa tapat ng building namin. Nilapitan ko siya kahit naiilang ako.
“Ang tagal naman matapos ng class mo. Nagutom tuloy ako,” reklamo ni Jeff habang sumusubo ng fishball na binili niya. Sa totoo lang, hindi bagay kay Jeff na may hawak na fishball. Halatang halata mo kasi sa pananamit niya na mayaman siya. Ewan ko nga kung bakit yung ugali niya eh parang pangkanto. Pero minsan narinig ko siya makipag-usap sa kaibigan niya, muntik na kong magkacrush sa kanya dahil ang galing niya mag-English. Bihasang bihasa din pala siya dun.
Tapos na niyang kainin yung binili niya ng bigla siyang naglakad papuntang parking lot. Sinundan ko na lang siya. Nagulat ako sa nakita kong kotse na dala niya. Ang ganda at halatang mamahalin.
“Huy, bakit ka nakatunganga diyan? Sumakay ka na para matapos agad tayo magpractice.”
Sumakay na ko sa kotse. Pagpasok ko, ang daming figurine ng pusa. Natawa nga ko dahil parang naging pambabae bigla yung kotse niya dahil sa mga figurines na iyon. Tinitigan lang ako ng masama ni Jeff.
“San ba tayo magpapractice?” Wala akong idea kung saan ako dadalhin ng lalaking supladong ‘to. Baka mamaya pagtripan lang ako nito.
“Wag ka ngang maraming tanong.”
Tahimik lang ako habang nagdadrive siya, hanggang sa nakatulog ako. Nagising lang ako ng bigla siyang prumeno at tumama ulo kosa bintana ng kotse niya. As usual, tinawanan na naman ako ng gago. Hindi ko na alam kung na saan kami. Pero alam kong EDSA ang tinatahak namin.
“San ba kasi tayo pupunta? Parang ang layo na nito,” pangungulit k okay Jeff.
“Dun tayo sa bahay namin magpractice para malaki space.”
Pumasok kami sa isang private subdivision sa may Makati. Hindi ko pinahalata sa kanya yung pagkamangha ko nang makita ko yung pangalan ng subdivision nila. Ang akala ko puro artista lang ang nakatira dito.
Ang lalaki ng bahay sa subdivision nila at layu-layo sa isa’t isa. Kahit ata sumigaw ka eh hindi maririnig ng kapitbahay niyo. Mga ilang liko pa at bumusina na siya sa tapat ng napakalaking bahay na may kulay puting gate. Ito na ata yung pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko. Nakailang busina pa siya bago may kasambahay na nagbukas ng gate.
Pinapasok niya ko sa bahay nila. Grabe talaga sa laki. Yung garahe pa lang nila, kasing laki na ng bahay namin sa probinsya.
“Good evening po Sir Bryan. Akin na po yung mga gamit niyo at aayusin ko,” sabi ng isang maid. Mukhang pinaalam ni Jeff sa kanila na may dadating siyang kaklase.
“Manang, si Dad ba dumating na?” tanong ni Jeff sa isa sa mga kasambahay.
“Maya-maya pa daw po yung dating niya, sir. May dinner meeting daw po kasi siya.”
“Ah ganun ba? O sige dun na kami sa kwarto ko magpapractice. Padala na lang po ng makakain at inumin dun. Salamat Manang.”
Nagulat ako sa pananalita ni Jeff sa kasambahay nila. Hindi pasigaw at hindi mayabang. Sa katunayan ay malumanay pa nga ito. Sobrang iba sa pananalita niya pag ako ang kausap niya.
“Huy Bryan, dun tayo sa kwarto ko.” Sinundan ko lang si Jeff papunta sa kwarto niya. Ang dami naming nadaanang mga kwarto na nakasara. Mayaman talaga sila. Ang dami ring nakasabi na paintings at yung mga ilaw nila eh halata mong hindi basta-basta.
Pagpasok namin sa kwarto niya eh para akong pumasok sa isang toy store. Sobrang daming laruan. Karamihan pa dito eh hindi pa nabubuksan ang mga kahon. Mukhang nangongolekta itong si Jeff. Pinaupo niya ako sa sofa sa loob ng kwarto niya. Oo, ganun kalaki ang kwarto niya. Parang isang buong bahay sa laki. May sarili siyang TV, aircon, sofa, banyo, at may ref pa nga. Binuksan ni Jeff yung isang pinto papunta sa isa pang kwarto. Pagsilip ko, nakita ko na puro damit at sapatos niya.
Paglabas ni Jeff ay nakapagpalit na siya ng damit. Nakasando lang siya at shorts na pangbasketball. Dito ko unang namasdan yung katawan niya. Ang gwapo talaga niya. Kung hindi lang siya salbahe.
Ang puti pala ni Jeff at ang tangkad. Yung katawan nya eh tama lang sa tangkad niya. Hindi siya ganun kalaman pero hindi payat. Alam mo lang na nagsasayaw talaga sya dahil lean yung katawan niya at may mga muscles. Binuksan muna niya yung computer niya dahil dun daw kami magpapatugtog. Habang ginagawa niya ‘yon, tinitigan ko yung mukha niya. Ang amo pala nun. Ang pupungay ng mata niya tapos yung ilong niya, katamtaman lang yung tangos. Yung labi niya ay ang pupula din. Bigla akong nag-iba ng tingin. Baka kasi mahuli niya ko.
“May dala ka bang damit?” tanong niya sa akin.
“Wala eh. Pupunta pa sana muna ako ng dorm para kumuha bago tayo magkita. Eh kaso andun ka na agad pagbaba ko.”
“Ano ba yan. Puro pa dahilan eh. Hayaan mo na nga. Pahihiramin na lang kita pagkatapos. Pero, huy, labhan mo yun bago mo ibalik ah!”
Hindi na lang ako sumagot.
Pinatugtog na niya yung kantang gagamitin namin. Kinuha din niya sa bag niya yung papel na binunot niya kahapon sa class.
“Ako na gagawa ng steps. Sauluhin mo na lang, ok? Yun na lang gagawin mo para hindi mo na ko ipahamak.” Nang-inis na naman si Jeff.
Nakaupo pa rin ako sa sofa habang siya ay nakatayo na at nagstart na gumawa ng steps. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya. Namangha kasi ako habang nagsasayaw siya. Mga 30 minutes ding hindi ko siya ginugulo para makagawa na siya ng routine namin.
“O halika na dito, ituturo ko na sa’yo. Sauluhin mo ‘to ah!”
Tumayo na ko at tumabi sa kanya. Medyo tinulak niya ko palayo. Baka daw kasi masipa ko nanaman siya. Nang tiningnan ko yung binti niya na nasipa ko, may marka pa rin ng pasa. Talaga palang nasaktan siya. Kaya siguro galit sa akin tong mokong na ‘to.
Nahihirapan akong makuha yung binuo niyang steps. Bigla atang naging parehong kaliwa paa ko. Pero ang pi nagtataka ko ay kung bakit hindi niya ko inaasar at hindi siya nagagalit sa akin. Hinayaan ko na lang. Ang inisip ko na lang, baka biglang hinipan ng hangin at bumait.
Mga isang oras na niya kong tinuturuan pero kalahati pa lang ng routine yung nakukuha ko.
“Ano bay an Bryan. Pinapagod mo lang ako eh. Ang hirap mo naman turuan eh.” Halata kong inis na siya sakin.
“Sorry.” Yun lang ang nasabi ko sa kanya habang nakaupo sa sofa at nakayuko.
“O sige na tama na muna yan. Kumain na lang muna tayo sa baba.” Bago kami bumaba ay kinuhanan muna niya ako ng damit. Nagpalit ako sa CR niya sa loob ng room.
Bumaba na nga kami at pumunta sa dining area nila. Manghang mangha pa rin ako sa laki ng bahay nila. Pansamantala kong nakalimutan yung pagod at hiya ko ng nakita ko yung laki at ayos ng dining table nila. Ang haba ng mesa nila, kasya ata lampas sampung tao dun eh. Umupo kami sa isang dulo ng mesa.
“Sir Jeff, bakit po bumaba kayo? Ang akala ko ba ay dadalhin ko na lang sa inyo sa taas?” tanong ng kasambahay nila.
“Ay wag na manang, tapos na rin naman kasi kami magpractice kaya bumaba na lang kami.”
Inilabas na ni manang yung mga pagkain. Tatlong putahe yung nilabas nila. Nagtaka ako kung bakit madami eh mukha naming kaming dalawa lang yung kakain.
“Manang, sumabay na po kayo sa amin. Ang daming ulam, kaming dalawa lang naman ang kakain,” paanyaya ni Jeff kay manang. Napangiti na lang ako dahil sa sobrang kabaitan ni Jeff sa kasambahay nila. Tumanggi si manang at biglang dumiretso papalabas ng bahay ng may bumusina.
Biglang napatayo si Jeff sa kinauupuan niya. Ng tiningnan ko kung sino yung dumating, natakot ako sa itsura niya. Ang tangkad niya na dinagdagan pa ng tuwid niyang tindig. Ang seryoso din ng mukha niya pero hindi mo maipagkakailang may itsura. Magkamukha nga sila ni Jeff eh.
“Good evening, Dad. This is my classmate Bryan. We were just practicing for our midterm exams for our PE class.”
Nagulat ako sa itsura ni Jeff. Parang kabado siya. Ang stiff ng itsura niya habang nakatayo. Medyo nailang naman ako ng tinitigan ako ng daddy nya. Hindi nga ko nakagalaw sa upuan. Hindi rin ako makasubo o makanguya man lang. Medyo nakahinga lang ako ng maluwag ng biglang tumalikod ang tatay ni Jeff at naglakad paalis.
“Bakit parang takot na takot ka sa tatay mo?” tanong ko kay Jeff.
“Wag ka na nga magtanong. Ubusin mo na yang kinakain mo tapos umalis ka na. Bwisit,” galit na sambit ni Jeff. Nainis ako sa sinabi niya pero pinigilan ko sarili ko dahil bahay nila ‘yun at nirerespeto ko pa naman si Jeff kait papano kahit ang sama niya sa akin.
Ng tapos na kami kumain ay inihatid na niya ko sa may garahe nila.
“Bryan, pasensya na kanina nung nasigawan kita sa dining area. Nababad trip lang talaga ako pag nakikita ko si Dad eh. Ipapahatid na kita sa driver namin, gabi na eh, mahihirapan ka ng bumalik sa dorm nyo.
“Sige salamat. Pasensya na rin pala kung talaga nahihirapan ako magsayaw. Magpapractice na lang ako sa bahay.”
“Talagang magpractice ka, hindi pa magandang tingnan yung pagsasayaw mo eh.” Uuwi na nga lang ako, inasar pa ko ni Jeff. Pero may iba sa pang-aasar nyang yun. Hindi katulad ng pang-aasar niya dati. Nakangiti siya nung sinabi niya yun. Hindi siya pagalit nagsalita. Kaya imbes na mainis ay natawa na lang din ako. Sumakay na ko sa sasakyan nila at nagpaalam na sa kanya.
Nakatulog ako sa biyahe. Siguro dahil sa pagod kakapractice. Mabuti na lang at alam pala ng driver nila kung saan ako nakatira.



Dear Mama,

Sorry kung ang salbahe ko sa kanya. Aaminin ko nung una nainis po talaga ako nung nasipa niya ko. Ang sakit kasi nun mama eh. Pero after nun, hindi naman na ko galit. Kaya ko lang naman nilagyan ng papel yung locker niya para mainis siya sa akin. Ang akala ko kapag ginawa ko yun ay unti-unting mawawala yung alam niyo na Mama. Pero mali ako eh. Alam nyo naman kung bakit diba? Nasabi ko na sa inyo yun mama. Natuwa nga ko nung nagpractice kami ng steps. Ang cute niya magsayaw. Parang bata lang. pero as usual mama, natakot nanaman ako pag-uwi ni daddy. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Mama kaya ko na naman sarili ko eh, pero pakitulungan na lang ako kay Daddy. Thanks Ma. I love you so much. I miss you.





Pagpasok ko ng PE class namin, medyo nanibago ako na walang nang-aasar sa akin. Andun si Jeff pero hindi niya ko pinapansin. Mas gusto ko nay un kesa naman pagtripan niya ko.
Natapos na “mapayapa” ang PE class ko. Nireview lang sa amin ni sir yung naituro na niya.
Nagkita ulit kami ni Mike sasusunod kong class. As usual, kwentuhan lang tungkol sa mga bagay-bagay. Madalas ko siyang binibiro tungkol sa love life nya. Halos isang taon na kasi siyang walang girlfriend. Yung huli niyang nakwento sa akin ay yung kaklase nya nung high school at nagbreak sila dahil nagmigrate na sa US yung pamilya nung babae.
“Mike, wala ka pa bang ikukwento saking bago? Malapit na magpasko ah. Dapat may bago ka ng chikababes,” pang-aasar ko kay Mike.
“Tsaka na pagkagraduate natin. Hindi naman ako nagmamadali. At sa tingin ko, hindi pa narerealize ng taong yun na mahal nya ako. “
“Ang drama ng best friend ko ah. Sabagay, mahirap din yung ngayon ka pag magkakagirlfriend. Gagraduate na tayo eh, mahihirapan kayo pag nagtatrabaho ka na.” Totoo naman kasing mahirap pagkasyahin ang oras mo sa trabaho at sa karelasyon mo. Hindi ko pa naman iyon nararanasan. Feeling ko lang naman.
Nagulat ako sa susunod na tinanong ni Mike. “Ikaw Bry, wala ka bang ipapakilalang girlfriend o boyfriend sa akin?”
“Gago, boyfriend ka dyan. Tigil-tigilan mo nga ko,” painis kong sabi. Hindi ko alam kung nagloloko lang siya o nahalata na niya kung ano ako.
“Joke lang, ito naman. Malay ko ba. Basta pag meron, kahit sino pa yan, pakilala mo sa akin ah. Para mahusgahan natin. Hehe. Bigla ka naman naging defensive. Bakit pag ako ang nagkaboyfriend, magugulat ka?”
Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki mata ko. “Bakit Mike, are you gay?”
“Of course not. Alam mo namang playboy ako. Pero ang sa akin lang, kung lalaki talaga para sa akin, e di hahayaan ko na lang. I’m not closing my doors. Haha. Baka kasi love na tapos nag-inarte pa ako. E di ako pa mawawalan kung ganun. Haha. Pero so far, mukha namang straight pa ko.” Ang lakas ng tawa ni Mike nung sabihin niya yun. Pinagtinginan nga kami ng classmates namin. Hindi ko lang alam kung narinig nila yung sinabi niya.
Gwapo kung sa gwapo si Mike. Isa siya sa pinakahabulin sa college namin. Isa din siya dun sa iilang lalaki na taga CMC na hindi pinagkamalang bading ng mga chismosang babae. Syempre, pangarap din nilang mapasakanila si Mike. Pero bigo sila. Nang magbreak si Mike at yung huli niyang girlfriend, parang nawalan na siya ng interes na pumasok sa isang relasyon. Madalas ay nag-aaral na lang siya o gumigimik kasama mga kaibigian niya. Madalas kami magkasama, kumakain kasama ng mga friends namin sa organization.
Isang beses may nagbigay kay Mike ng isang box ng chocolates. Pinaabot lang sa guard. Ng tanungin niya kung sino, hindi sinabi ng guard. Makalipas ang ilang araw, nagpakilala na yung nagbigay sa kanya ng chocolates. Isang lalaki na taga College of Music. Magkatabi lang ang building namin.
Nagulat kami sa ginawa nung lalaki. Tinanong niya si Mike sa harap naming lahat kung pwede siyang manligaw. Inabangan namin yung sasabihin ni Mike. Alam naming hindi siya magagalit kaya hindi kami natatakot na magkaron ng eskandalo.
“I’m sorry pero hindi kasi ok for me yung ganito. I’m very flattered pero hindi talaga ako interested. It’s better na sabihin ko sayo ngayon na ayaw din kasi kita paasahin.”
Mabuti na lang at naintindihan nung lalaki at umalis na lamang siya.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan itong si Mike, nagkagusto na rin ako sa kanya. Pero masyado kong pinapahalagahan yung pagkakaibigan namin para dungisan lang ng pagkagusto sa kanya. And besides, masayang masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.
May practice pala ulit kami ni Jeff. Tinext ko siya na nasa fishbolan lang ako at itext lang ako kung saan kami magkikita. Hindi siya nagreply. Nagulat na lang ako nang makita ko yung kotse niya sa tapat ng fishbolan. Lumabas siya at lumapit sa akin.
“Huy Bryan, halika na, practice na tayo.” Sabay galaw ng kamay niya na inaaya ako papasok ng kotse niya.
Tumayo ako at pinakilala siya sa mga kaibigan ko. “Guys, si Jeff nga pala. Siya yung ka-pair ko sa street dance. Jeff sila ang mga kaibigan ko.”
“Hi guys. Sige alis na kami ni Bryan. Ang hirap kasi turuan ng kaibigan niyo eh.” Ang kapal talaga ng mukha ni Jeff. Inaasar pa rin ako kahit mga kaibigan ko na yung kaharap niya. Nagtawanan na lang sila. Kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam sa kanila. Pagsakay ko ng kotse ni Jeff, nakatanggap ako ng text mula kay Mike.
Ingat. Kita-kits na lang bukas.


Pagkadating namin sa bahay nina Jeff, binati ako ni manang. Kinuha niya ulit yung mga gamit ko at inayos sa tabi. Umakyat na agad kami ni Jeff sa kwarto niya para makapag-umpisa na.
Matapos niyang magbihis ay pinatugtog na niya ulit yung kantang gagamitin namin.
Ang akala ko ay magsasayaw na kami pero may iniabot siya sa aking CD.
“Oh Bryan, sinayaw ko yung routine natin tapos nirecord ko para mapag-aralan mo sa bahay ninyo.”
“Anong nakain mo at ginawan mo ko ng pabor?”
“Ginagawan ko sarili ko ng pabor. Pag hindi mo kasi natutunan yan, damay ako. Tsaka sorry din pala sa naging asal ko sayo simula pa lang nung natumba ka nung class natin. Nasaktan naman kasi talaga ako nun.”
“Sorry din Jeff. Pero teka, bakit biglang bait mo naman ata sa akin? Pinagtitripan mo ulit ako ano?”
“Hindi. Basta. Wag ka na lang magtanong. Halika na sayaw na tayo.”
Nag-enjoy ako sa practice naming iyon. Madalas kami magtawanan pag nagkakamali ako. Inaasar pa rin niya ko pero pabiro na lang kaya natatawa na lang din ako.
Halos dalawang oras na rin kaming nakapag-ensayo ng nag-aya akong magpahinga muna. Dun ako nag-umpisang magtanong tungkol sa kanya.
“May kapatid ka ba Jeff? Para kasing wala akong nakikitang tao dito maliban sa’yo at sa Daddy mo. Yung mommy mo, nasaan siya?”
“Only child ako. Si Mommy, wala na siya. Namatay siya last year dahil sa cancer. Siya yung dahilan kung bakit ako naging mabait sa ‘yo?”
Nakita ko yung lungkot sa mata ni Jeff nang sabihin niya yung tungkol sa mommy niya. “I’m sorry to hear that. Pero paanong naging mommy mo ang dahilan?”
“Wala. Nevermind. Halika kain na lang tayo sa baba para makauwi ka na din.”
“Aba, parang gusting gusto mo na akong pauwiin ah.”
“Hindi naman. Baka lang kasi gabihin ka.”
Medyo nawiwirduhan ako sa kinikilos ni Jeff pero hinayaan ko na lang . Sa katunayan masaya nga ako dahil baka maging magkaibigan pa kami ng mokong na to.
Natapos na kaming kumain at hindi kami nadatnan ng daddy niya. Gagabihin daw sabi ni manang. Nasa labas na ako ng pinto at hinihintay na lang yung driver nila. Sabi kasi niya kanina ihahatid daw ulit ako pauwi. Sino ba naman ako para tumanggi pa sa libreng sakay pauwi diba. Pagbukas ng kotse ay si Jeff ang nakita ko.
“Bryan sakay na. Ako na maghahatid sa ‘yo.”
Hindi na ako nagtanong at sumakay na lang ako. Habang nasa biyahe ay pinapa-recite sa akin ni Jeff yung order ng steps namin. Medyo nagkakamali pa ko kaya ilang beses din naming inulit yun. Inantok na ko kaya nagpaalam akong matutulog na lang muna. Pagkagising ko ay nasa tapat na kami ng dorm ko.
“Salamat sa paghatid sa akin Jeff. Ingat sa pagdadrive pauwi.”
“Bryan, pag-aralan mo yang cd na binigay ko ah. Tsaka sana maging magkaibigan na din tayo.” Iniangant ni Jeff ang kamay nya na akmang makikipagkamay.
“Oo naman. Basta ba magpakatino ka at tigilan na akong asarin. O sige na umuwi ka na.” Tinapik ko ang kamay niya. Hinintay ko siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay. Kinawayan pa niya ako ng papaalis na siya. Habang tinatanaw ko siya papalayo, napangiti ako. Sa mayabang pala niyang itsura ay may nagtatago ring kabaitan.
Hindi ko na siya tinext dahil alam kong nagmamaneho siya. Nakapagbihis na ako ng may nareceive akong text message.
Mike: Bry, asan ka na? medyo gabi na baka mahirapan ka na umuwi.
Ako: Kakauwi ko lang Mike. Hindi ako nahirapan umuwi. Hinatid naman ako ni Jeff eh.
Mike: Ah… ok..
May nagtext ulit at akala ko ay si Mike iyon.
Jeff: Ang traffic! Hehe.
Ako: Hala pano yan, baka gabihin ka sobra.
Jeff: Sus ok lang yun, wala naman nang magagalit sa akin. Si dad wala ng pakialam kahit hindi na ako umuwi. Haha
Ako: Ingat ka na lang. Asan ka nab a?
Jeff: Cubao pa lang. Dapat pala nag Katipunan na lang ako pauwi. Haha. Huy pag-aralan mo na yang cd ko.
Ako: Ito na panonoorin na po.
Binuksan ko ang computer ko sa loob ng room at pinanood ang cd. Ang galing talaga magsayaw ni Jeff. Napakagraceful pero may angas pa rin. Lalo akong humanga sa kanya. May itsura na, magaling pa sumayaw, tapos mabait din naman pala. Ngayon ko lang ata aaminin to sa sarili ko pero mukhang crush ko na siya.
Sinubukan kong gayahin si Jeff sa nirecord niya pero medyo nahihirapan pa ako. Nahiga muna ako sa kama at nagpahinga.



Dear Mama,

Kauuwi ko lang. Hinatid ko siya sa bahay nila. Mabait na ako sa kanya ngayon ma. Ikaw kasi eh, kinausap mo pa ko sa panaginip ko. Mabait pala siya pag hindi ko siya iniinis. Mukha ngang nagkasundo kami eh. Mama, nagpapaalam na ako sa iyo ah. Alam ko namang papayag ka. Malakas ako sa iyo eh. Sige ma, good night po. I miss you. I love you ma.







Nakatulog na pala ako kagabi. Hindi ako nagmamadali dahil 11:30 pa naman ang first class ko at 8:00 pa lang. Kumain ako ng breakfast at nagreview ng lesson.
Mike: Good morning. Musta best friend ko?
Ako: Ito kakagising lang. Napagod ako sa practice namin kagabi. Meron na naman mamaya.
Mike: Araw-araw ba dapat talaga practice niyo? Hindi ka na nakakasama sa amin magdinner ah.
Ako: Oo, kailangan kasi Mike eh. Hayaan nyo, pagkatapos ng midterm namin, balik na ko sa normal. Hehe
Mike: Sana nga…
Ako: Oo naman.
Mike: O sige, kita tayo mamaya after ng class mo ah.
Ako: O sige.
*****
Jeff: Bryan, good morning, nasaulo mo na ba steps natin? Hahaha
Ako: Pinanood ko kagabi, nagpractice din ako. Medyo kaya ko na. Konting tiis pa.
Jeff: May magagawa ba ako? Haha. Joke. Hindi nga pala ako makakapasok ngayon so text mo na lang ako kung anong oras tapos ng class mo para masundo kita.
Ako: Bakit hindi ka papasok? Ang layo naman pag sinundo mo pa ko. Magcocommute na lang ako, text mo na lang sa kin directions papunta sa inyo.
Jeff: Sunduin na kita. Ako naman magdadrive eh, bakit ka pa nag-aalala kung malayo? O siya sige, tulog na muna ulit ako. Haha. Basta magtext ka lang.
Tapos na ang kaisa-isang class ko kapag Friday. Pumunta agad ako sa may fishbolan sa tapat ng college naming at nadatnan ko doon sina Mike.
“Bry, labas tayo ngayon. Timezone tayo, manlilibre daw si Alvin. Haha,” patawang sabi ni Mike.
“Hindi ako pwede eh, may practice ulit kami ni Jeff eh.”
“Hoy Bry, gwapo yung Jeff na yun ah. Pumapatol ba? Pakilala mo ako dali. Nagsasawa na ko dito kay Mike eh.” Si Alvin ay ang kaisa-isa naming kaibigan sa tropa na out. Nakilala na namin siyang ganun at masaya kami dahil kaibigan namin siya. Vocal din siya sa pagsasabing type niya si Mike. Sinasakyan lang ni Mike ang kalokohan niya dahil alam din naman nilang dalawa na walang mangyayari sa kanila.
“Sa itsurang nun ni Jeff, mukhang nambubugbog pa yun. Haha. Joke lang. Bigla ngang bumait sa akin eh. Naalala niyo yung kwento kong nang-aasar sa akin sa PE. Siya yun eh.”
“O siya. Sige na Bry, sumama ka na, alis na tayo ngayon. Sagot na kita,” paanyaya pa rin ni Mike na biglang iniba ng usapan.
“O sige sama ako pero hanggang 4pm lang ako ah. Kelangan talagang magpractice eh.”
Nagtaxi na kami papuntang Tri Noma. Ako, si Mike, Alvin at dalawa naming kaibigang babae ang magkakasama. Madalas talaga kami sa Timezone. Dun namin inuubos allowance namin. Ang nilalaro lang naman naming dun ay basketball, air hockey at dance revo. Si Mike ang gumastos sa akin ngayon. Medyo nakonsensya nga ako dahil alam ko namang gusto niyang makasama ako sa lakad ng magkakaibigan.
Nilapitan ko si Mike habang naglalaro sina Alvin ng dance revo. “Mike, huwag ka ng magtampo sa akin. Ayoko din lang kasing bumagsak. PE lang yun tapos ibabagsak ko pa.”
Humarap sa akin si Mike. “Hindi naman ako galit. Namimiss ka na lang namin. Miss ko na best friend ko.”
Inakbayan ko na lang siya it hinila papalapit kina Alvin. Naglaro kami ng naglaro. Nakagastos na ata sila ng mahigit 500 pesos kakalaro lang namin.
Mga bandang 3pm ay tinext ko na si Jeff na sa Tri Noma na lang ako sunduin. Nagreply agad siya na paalis na at hintayin na lang daw siya.
Mga bandang 4 ng hapon ay nagtext na si jeff na nasa mall na daw siya at nagtatanong kung nasaan na ako. Nireplyan ko siya at sinabing nasa Timezone.
Mga ilang minuto lang ay may tumapik sa likod ko.
“Bryan, naglalaro ka nyan?” sabay turo ni Jeff kina Mike na nagsasayaw sa dance revo.
“Oo bakit?”
“Buti nananalo ka. Haha. Joke lang Bryan. Ano, ok lang ba sa mga kaibigan mo na umalis ka na?”
Nilapitan ko mga kaibigan ko at nagpaalam. Huminto sa paglalaro sina Mike at Alvin. Nagulat ako ng biglang lapitan ni Alvin si Jeff at nagpakilala. “Hi I’m Alvin, what’s yours?” Tawanan kami pero ako ay may halong takot dahil baka biglang magalit si Jeff.
“Hi, I’m Jeff. Jeffrey Santos,” malumanay na sagot ni Jeff at nakipagkamay pa siya kay Alvin na talaga namang ikinagulat ko.
“Wow, parang kapatid lang ni Judy Ann Santos ah. Anong course mo Jeff?” malanding tanong ni Alvin. Nangingisi na lang kami ng mga kaibigan ko sa ikinikilos ni Alvin ngayon. Si Jeff naman ay nakita kong nakangiti lang din.
“Sports Sci course ako, third year.”
“Athletic, yan ang gusto ko. I like you Jeff. Hahaha.” Natulala kami sa sinabi ni Alvin. Napakastraightforward niya kahit hindi niya pa masyadong kilala yung kausap niya.
“Haha. Thank you Alvin. Mukhang masaya ka din maging kaibigan.,” natatawang tugon ni Jeff.”
“Ay friend lang? Busted na agad ako. Oh well, o siya sige kunin mo na yang friend namin at turuan mo ng totoong sayaw at hindi sayaw na pang dance revo lang ang alam.”
Nagawa pa akong asarin nito ni Alvin. “Hoy Alvin, tigilan mo ko, nabusted ka lang eh. Sige guys, una na kami. Text ko na lang kayo.” Nilapitan ko si Mike at inakbayan. “Best friend, practice na muna ako. Aagahan ko uwi tonight tapos puntahan kita sa boarding house niyo. Dun na lang ako matutulog total weekend naman bukas.”
Tumango lang si Mike at ngumiti. Si Jeff naman ay parang biglang nawala ang kasiyahan sa mukha.
Pumunta na kami ni Jeff sa parking area.
“May gusto ba sayo si Mike?” tanong ni Jeff na ikinagulat ko.
“Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan. Best friend ko si Mike, nagtatampo lang yun. Tsaka straight yun. Mas marami pa nga atang naging girlfriend yun kesa sa iyo eh.” Hindi ko maintindihan kung paano naisip ni Jeff na may gusto sa akin si Mike.
“Ah… ok,” simpleng tugon ni Jeff at sabay binuksan ang pintuan ng kotse.
Nagulat ako ng imbes na dumiretso siya papunta sa subdivision nila ay kumanan kami papasok ng Ayala. Nagpark kami sa Greenbelt at sinabihan niya ako na doon na daw kami magdidinner.
“Teka, maaga pa ah. Wala pa ngang 5pm eh,” reklamo ko kay Jeff.
“Oo nga. 7 pm pa naman tayo kakain. Samahan mo muna ako mamili.”
“Ang akala ko ba magpapractice tayo? Tsaka kailangan ko umuwi ng maaga dahil may promise ako kay Mike.”
“Dun ka na naman matutulog kina Mike ah. Bakit kailangan mo pa agahan ang pagpunta dun eh magdamag naman kayo magkakasama?” Nagulat ako dahil parang galit si Jeff. Nainis na din ako sa kanya. Sinabihan niya ko na maaga daw kami magkita para makapagpractice tapos gagala lang pala siya. Iniwan ko pa tuloy mga kaibigan ko.
“Eh bakit ba galit ka?”
“Wala. Samahan mo lang ako Jeff. Sige, hindi na tayo kakain dito. May kailangan lang talaga akong bilhin,” mahinang tugon ni Jeff.
Nakonsensya ako sa mahinahon nyang sagot. Parang ang sama ko.
Pumasok kami sa isang candle store at bumili siya ng isang box ng chamomile candles.
“Bakit ang dami mong biniling ganyan?” tanong ko sa kanya.
“Favorite scent kasi ito ni Mama. Naubos na yung nasa bahay kaya bumili ako. Nagsisindi ako ng candle every night for her.”
“Ah ok. Sorry kung nagalit ako kanina. Hindi ko alam na important yung bibilhin mo.”
“Ok lang. Halika na, punta na tayo sa bahay.”
Pagkapasok naming sa kotse ay may tinawagan siya.
“Hi, I would like to cancel my reservation for tonight…Yes…Ok, thank you.”
Hindi na lang ako nagsalita pero nakokonsensya ako sa inasal ko kanina. Mukhang pinaghandaan niya talaga yun.
“Sorry kung pinilit kitang kumain sa labas ah. Nung buhay pa kasi si Mama, we made it a point to eat out once a week. Kahit kaming dalawa lang. Si Dad kasi laging busy tsaka simula ng nagalit siya sakin, mas dumalang na yung pagsama niya sa amin. Hanggang sa nawala na nga si Mama. And ever since wala na siya, hindi na ko kumakain sa labas. Wala na kasi akong makasama.”
“I’m sorry Jeff, hindi lang talaga ako pwedeng gabihin ngayon. Kailangan ko bumawi kay Mike dahil bihira ko na sila makasama.”
Pagdating namin sa bahay nila ay nagpractice na agad kami. Parang walang nangyaring tampuhan kanina. Tawa lang kami ng tawa. Medyo hindi na ko nahihirapan kaya may mga pagkakataon na natatapos naming tapusin yung routine na ginawa nya. Mga 8 pm ng nag-aya na akong umuwi. Sinabi naman ni Jeff na siya na daw ulit maghahatid sa akin.
Nagdrive-thru kami sa Jollibee na pinakamalapit sa kanila. Hindi na kami nakapagdinner sa bahay nila dahil nga nagmamadali ako. Mabuti na lang at favorite din pala niya Jollibee kaya hindi na kami nagtalo kung saan bibili ng pagkain. Nilibre niya ko ng favorite kong Chili Cheesedog, fries, drink, at may ice cream pa. Kumain kami sa sasakyan nya. Natagalan siya kumain dahil nga nagdadrive siya. Madalas kapag red light lang siya nakakasubo. Eh nagkataong dire-diretso yung takbo naming kaya may hindi siya saking pabor na kinagulat pero kinatuwa ko din naman kahit papano.
“Bryan, favor naman. Pwede bang subuan mo ko ng fries. Nabibitin ako sa pagkain eh. Kung kailan naman ako naghahangad ng red light tsaka ayaw. Ok lang ba?”
Medyo nailang ako pero ginawa ko pa rin para hindi naman niya isipin na naiilang ako. Isa, dalawa, nakatatlong subo ako sa kanya ng fries. Tapos ako na rin naghawak nung drink niya nung iinom siya.
“Salamat Bryan,” nakangitin niyang sabi.
“Sus, wala yun. Alam mo bang ikaw na lang sa mga kaibigan ko ang tumatawag sa akin ng ‘Bryan?’ Sina Mike kasi nasanay nang tawagin akong ‘Bry.’ Sa bahay buong pangalan ko din ang pantawag nila sa akin eh,” kwento ko.
“Eh maikli lang naman kasi pangalan mo kaya binuo ko na. Tsaka nahihiya akong tawagin kang Bry dahil baka isipin mo feeling close ako,” paliwanag niya.
“Close na tayo Jeff. Kasi mabait ka na tsaka marami na akong nalaman tungkol sa iyo.”
“Oo nga marami ka nang alam about me pero ako wala pa akong alam tungkol sa iyo.”
“Ano ba gusto mong malaman?”
“Lahat.”
“Ok. My name is Bryan Santos, 19 years old. Only child din like you. Close ako sa mga magulang ko. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap. Galing ako sa isang Catholic high school. May 2 org akong sinalihan ngayong college tapos dun sa isa ay officer ako. Hindi ako athletic na tao pero marunong ako magvolleyball. Minsan kapag sinapian ako ay gumagaling ako dun. Mahilig ako magbasa, manood ng movies at makinig ng music. Anything else you want to know?”
“Girlfriends. Nakailan ka na? May love life ka ba ngayon?”
“I had two girlfriends nung high school then another one recently lang pero nagbreak na din kami.”
“Bakit,” pag-uusisa niya.
“Personal problems ko. Ikaw nakailang girlfriend ka na? Siguro ang dami mo nang pinaiyak na baba no?”
“Wala pa akong nagiging girlfriend.”
“Ever?”
“Ever.”
“Wow. Parang hindi ako naniniwala. Sa itsura at ugali mong yan?”
“Itsura? Bakit nagagwapuhan ka sa akin no? Sabi ko na nga ba type mo ko eh!”
Nataranta ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Baka hinuhuli lang niya ako tapos aasarin ulit. Pero hindi, mabait na siya sa akin eh.
“Anong pinagsasasabi mo dyan? Oo gwapo ka pero hindi kita gusto,” pasigaw kong sabi.
“Ok, ok. Nagbibiro lang naman eh. Sorry na.”
Medyo napahaba pala usapan naming at hindi ko namalayan na nasa dorm na pala kami. Bumaba na ako ng kotse at nagpaalam sa kanya.
“Bye Jeff. Salamat. Ingat ka ah.”
“Bye. Have fun. Pero tandaan mo, bukas akin ka ulit. May practice tayo ng 1pm pero dun ka na sa bahay maglunch ok?”
“O sige sige. Bye.” Pagkaalis nya ay pumasok na ako ng dorm at kumuha ng gamit.
Malapit lang ang boarding house na tinitirhan ni Mike at kayang lakarin. Tinext ko siya na papunta na ko. Ilang beses na rin ako nakatulog dun pag wala akong magawa sa dorm kaya kilala na ako ng mga taga-roon.
Pumasok na ako sa bahay nila at dumiretso sa kwarto niya. Naabutan ko si Mike na nagbabasa ng libro. Pareho kami ng mga hilig ni Mike kaya madali kaming nagkasundo.
“Andyan ka na pala Bry. Lapag mo na lang gamit mo dyan.”
Pagkaayos ko ng gamit ko ay tinabihan ko siya. “Namiss kita best friend.”
“Namiss din kita. Masyado ka kasing seryoso sa pagsasayaw eh.”
“Kelangan kasi Mike eh.”
“I know. Kwentuhan mo nga ko ng nangyayari sayo. Yung kapartner mo, inaasar ka pa ba nun?”
“Si Jeff? Hindi na. Magkaibigan na kami nun. Mabait pala talaga siya. Hindi ko pa lang din alam kung bakit siya nagsalbahe sa akin dati pero ok na kami ngayon. Feeling ko makakasundo mo din siya.”
“Huh…”
“Oh bakit?”
“Wala lang, hindi lang palagay loob ko sa kanya.”
“Hay. Ok lang yan. Iba na lang pag-usapan natin.”
Kung anu-ano lang pinagkwentuhan at ginawa namin. Naglaro kami ng pinoy henyo, tapos nag-usap tungkol sa mga bagong kanta, movies at libro tapos konting chismis tungkol sa mga kakilala namin. Ilang araw lang kaming hindi nagkasama ng matagal pero parang namiss ko talaga best friend ko. Mga 2am na kami nakatulog. Magkatabi kami sa kama.
“Best friend, walang iwanan ah. Kahit ano amangyari,” bulong sa akin ni Mike.
“Oo naman. Walang iwanan. Tulog na tayo. Good night. Sweet dreams best friend.”
“Good night. Sweet dreams.”




Nauna akong nagising kay Mike. Naramdaman kong nakayap siya sa akin kaya dahan-dhana akong umalis at tumayo. Lumabas ako para bumili ng agahan namin. Pandesal lang ang binili ko dahil may palaman pa naman akong nakita sa kanila. Pagbalik ko ay gising na din pala si Mike.
“Bry sorry niyakap kita ah, gininaw kasi ako kanina eh.”
“Ok lang, as if naman hindi mo lagi ginagawa yun. Basta ba wag mo ko ipitin masyado ok lang. Halika na, kain na tayo. Bumili ako ng pandesal.”
Kumain kami sa may table at nagkuwentuhan pa rin.
“May lakad ka ngayon Bry?”
“May practice kami ni Jeff ng 1pm pero dun na niya ako pinapakain ng lunch.”
“Oh okay.”
“Bakit?”
“Wala lang. Gusto mo ng kape? Magtitimpla ako.”
Mga 9am ako umalis kina Mike. Nagtext si Jeff na hindi niya ako masusundo dahil may ginagawa daw siya. Ok lang naman sa akin yun dahil nahihya na rin ako na sundo’t hatid pa ako kapag nagpupunta sa kanila. Tinext niya sa akin yung directions papunta sa kanila.
Umuwi muna ako ng dorm para maligo at kumuha ng gamit tapos ay dumiretso na ako sa kanila. Madali lang naman ang biyahe dahil weekend na nga. Mga 10:30 ako nakarating sa subdivision nila. Medyo nag-alala nga ako kung papapasukin pa ko dun. Itetext ko na sana si Jeff nang kausapin ako ng guard na nasa post.
“Sir Bryan, ito po yung written directions papunta sa bahay nina Sir Jeffrey.” Iniabot sa akin yung papel na may nakalagay na directions. Mukhang si Jeff yung nagsulat. Kasama nun ay isang picture ko. Kaya pala kilala ako nung guard. Nagtaka ako kung saan nakuha ni Jeff yung picture ko.
Naglakad ako papunta sa bahay nila. Ang layo pala nun. Halos 15 minutes din akong naglakad bago nakarating doon. Pagpindot ko sa doorbell ay si manang ang sumalubong sa akin. Pinapadiretso niya ako sa kitchen dahil andun daw si Jeff. Pagpasok ko pa lang sa living room nila ay may naamoy na kong mabango kaya dumiretso na ako sa kitchen. Natuwa ako ng makita kong si Jeff na may suot na apron at nagluluto. Nakita niyo ko sa may kitchen door na pinapanood siya.
“Uy andyan ka na pala. Kanina ka pa?”
“Kararating ko lang. Marunong ka pala magluto.”
“I used to watch Mama every time she cooked.”
“That’s great! Ano niluluto mo?”
“Well, may buffet tayo. We have kare-kare, chicken adobo, sisig, pesto and vegetable salad. And for our dessert, I made your favorite blueberry cheesecake.”
“Wow, favorite ko lahat yan ah. Pano mo nalaman yang mga yan?”
“Kay Alvin, I asked him yesterday kung ano gusto mong pagkain.”
“Bakit kailangan puro favorite ko iluto mo?”
“Eh syempre, you’re my guest. Ayoko naman mapahiya ano. Wait, malapit ko na matapos. If you want, dun ka muna sa room ko.”
“Dito lang ako, panonoorin kita.”
“Oh ok. Sige. Sana wag ako maconscious sa presence mo.”
“I doubt.”
“Ang yabang mo naman!”
“Parang ikaw lang.”
Nagtawanan kaming dalawa.
Thirty minutes pa siyang nagluto. Tapos nun ay hinanda niya na yung table sa may dining area. Tumulong ako sa pag-aayos. Nung una ay ayaw pa niya pero nagpumilit ako kaya wala na rin siyang nagawa.
Sobrang natuwa ako sa effort niya na lutuin lahat ng gusto ko. Lalo ko tuloy siyang nagustuhan. Para siyang perfect man na pinapangarap ng lahat ng mga babae at ng mga katulad ko. Kaya nga ang swerte ko dahil kaibigan ko ang isang tulad niya tapos pinaglutuan pa ko.
“Let’s eat!” Kasabay naming kumain sina manang, yung dalawa pa nilang maids at si kuya driver. Dito ko napatunayan kung gaano talaga kabait si Jeff dahil siya pa mismo naglagay ng pagkain sa aming lahat.
Naging Masaya yung lunch naming. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Lahat pala ng kasama nila sa bahay ay kamag-anak ng mama ni Jeff at lahat sila ay natulungan nito kaya kahit wala na siya, ay inaalagaan pa rin nila ang anak nitong si Jeff.
“Alam mo na sa ilang araw na pumupunta ka rito ay laging good mood yang si Sir Jeff,” pag-amin ni manang.
Medyo nalito ako sa sinabi ni manang. Tiningnan ko si Jeff na parang nahihintay ng eksplanasyon.
“Manang, huwag mo naman akong ibuko. Alam mo namang wala ako masyadong malapit na kaibigan. Natutuwa lang ako na ngayon ay meron na.” Medyo naiilang si Jeff habang nagsasalita.
“Masaya din naman po ako manang na nakilala ko si Jeff kahit nung una, isa siya sa pinaka ayaw ko sa school dahil iniinis niya ko madalas.”
“Hay naku hijo, kung alam alam mo lang kung bakit yun ginawa ni Jeff,” sabi ni manang.
“Manang, kain na lang po tayo. Medyo marami na kasi tayong nasasabi eh,” patawang sabi ni Jeff.
Natapos na nga kami sa pagkain. Nagligpit na sina manang habang kami naman ni Jeff ay umakyat na sa room nya para magparactice ulit.
Ang tagal naming nagsayaw ng nagsayaw. Mga 4pm nang dalhan kami ni manang ng merienda sa kwarto. Nagpahinga lang kami saglit. Nagkukwentuhan kami ni Jeff ng biglang pumasok yung dad niya.
“Jeffrey let’s talk, ” seryosong sabi ng dad ni Jeff. Tumingin siya sa akin. “You can leave now.”
“Dad what do you think you’re doing? We’re practicing for our exam,” pasigaw na sagot ni Jeff.
“Hijo you can leave now,” pagpupumilit ng daddy niya. Nagpaalam na ko kay Jeff at sa dad niya. Bumaba na ko at nagpaalam na rin kina manang. Nagcommute na lang ako pauwi. Tinext ko si Jeff na ok lang sa akin yung nangyari at kinamusta ko na rin siya. Pero hindi siya nagreply. Nakauwi na ko sa dorm pero hindi pa rin siya nagrereply.
Nakailang text pa ako kay Jeff pero talagang walang reply mula sa kanya. Inisip ko na baka nagtalo sila ng daddy nila at wala siya sa mood ngayon. Nag-alala lang naman ako dahil baka kung ano gawin nun.
Hindi ako agad nakatulog nang gabing yun dahil wala pa rin talaga akong balita kay Jeff. Sobra yung pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Siguro nga, gusto ko na talaga siya. Tsaka kaibigan ko din siya kaya may dahilan para mag-alala ako.
Buong araw ng Linggo ay wala akong nabalitaan tungkol sa kanya. Wala rin akong makausap ng araw na iyon dahil umuwi si Mike sa bahay nila kaya ako nasa loob lang ako ng room ko nang araw na iyon. Sinubukan kong magreview ng lessons ko pero sadyang hindi ko maalis sa isip ko si Jeff. Ni hindi man lang kasi siya nagpaparamdam sa akin. Ang ginawa ko ay pinanood ko yung video na ginawa nya para sa routine namin. Habang pinapanood ko yun ay hindi ko mapigilan na mangiti. Pero ng kalaunan ay naluha ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil alam nag-aalala lang ako sa kanya. Siguro dahil gusto ko lang malaman kung anon a lagay niya. O siguro dahil alam ko sa sarili kong gusting gusto ko siya pero hindi ko yun pwede sabihin sa kanya dahil alam kong wala din namang mangyayari. Sisirain ko lang pagkakaibigan namin. At isa pa, hindi ko alam kung handa na ko na maramdaman yung bagay na iyon para sa isang lalaki. Oo tanggap ko na sa sarili ko na bading ako, pero yung magkagusto sa isang lalaki, hindi ko alam kung handa na ko. Hindi ko alam kung handa na kong aminin yun sa kanya. Hindi ko alam kung handa na kong aminin yun sa sarili ko. At hindi ko alam kung handa na kong malaman ng ibang tao na nagmamahal ako ng isang lalaki.
Sa sandaling panahon na magkasama kami niJeff at nakilala ko siya ng unti-unti, lagi akong masaya. Lagi niya kong pinapatawa kahit paminsan ay inaasar niya ko. Sa palagay ko nga, part na ng appeal niya yung pang-aasar niya. Alam kong kahit papano mahalaga din ako sa kanya dahil nagawa na nga nya kong lutuan at mabait siya sa mga kaibigan ko.
Biglang may pumasok sa isip ko. Pero baka naman nag-aakala lang ako. Baka naman gusto din niya ako. Baka naman gusto ako ni Jeff. Pero imposible. Alam kong ang mga pinapakita niya ay sa kadahilanang magkaibigan kami. Pinapaasa ko lang ang sarili ko.
Makailang beses ko rin pinanood yung video habang naghihintay ng text mula sa kanya. Hindi ko na siya tinext dahil baka makulitan lang sa akin.




Araw na ng exam naming para sa PE pero wala pa rin akong balita mula kay Jeff. Ilang araw na siyang hindi pumapasok at hindi nagtetext sa akin. Medyo nag-alala ako para sa exam namin, pero higit dun, mas inisip ko kung kamusta na siya.
Nahalata ni Mike ang pagkabalisa ko ng mga nagdaang araw at sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit. Nagtataka siya kung bakit ganun na lang ang pag-aalala ko sa taong dati akong inapi at inaasar. Sinabi ko na lang na nag-aalala ako para sa exam namin.
Pagdating pa lang ng prof namin sa PE ay sinabi ko na sa kanya na wala si Jeff at mukhang hindi makakapasok. Alam na daw ito ni sir at kahit ganun daw ay mage-exam pa rin ako, kahit ako na lang mag-isa.
Kinabahan ako sa narinig kong iyon. Magsasayaw ako ng walang kasabay habang pinapanood ng mga matang hindi ko naman kilala. Umupo muna ako sa isang bench habang iniisip yung mga steps na ginawa ni Jeff nang biglang may umakbay sa akin mula sa likod.
“Best friend, kaya mo yan. Hayaan mo, panonoorin at susuportahan kita,” nakangiting sabi ni Mike.
Natuwa ako sa pagdating ni Mike. Alam kong may isang taong manonood na hindi ako huhusgahan. Pero kahit ganun ay hindi ko pa rin maalis ang kaba.
Tinawag na ni sir ang pangalan ko. Ako na ang magsasayaw.
Iniabot ko kay sir ang cd ng kantang pinili ni Jeff na sayawin namin. Tumayo ako sa gitna ng dance floor habang nakatitig ang mga kaklase ko sa gilid. Ang tanging nakakapagpalubag ng loob ko ay tuwing titingin ako kay Mike at magta-thumbs up siya tanda ng kanyang suporta.
Nag-umpisa na yung kanta. Mas lalo akong kinabahan. Parang nakakalimutan ko na lahat ng steps. Pinipilit kong alalahanin pero wala na talaga akong maalala. Nakakailang Segundo nang tumtugtog yung kanta pero hindi pa rin ako makagalaw. Bagsak. Bagsak ako sa exam.
“Sir wait, pwede pong paulit ng kanta? Hahabol po sana ako, please,” sigaw ni Jeff habang tumatakbo papalapit sa akin.
“Bakit ngayon ka lang Jeff? Nagstart na si Bryan,” tugon ni sir.
“Sorry sir, nagka-family problem lang po talaga ako. Please sir payagan niyo na ako,” pakiusap ni Jeff.
“O sige, pagbibigyan kita pero may deductions ka na dahil late ka.”
“Salamat po sir,” nakangiting sabi ni Jeff. Hingal na hingal siya habang nakatayo katabi ko. Humarap siya sa akin.
“Bakit para kang tuod kanina? Naririnig kong tumutugtog na yung kanta pero hindi ka pa rin sumasayaw?” tanong niya sa akin.
“Nakalimutan ko bigla yung mga steps. Tsaka bakit ngayon ka lang nagpakita? Ni hindi ka man lang nagparamdam sa akin,” mahina ngunit pagalit kong sabi.
“Sorry. Mamaya na ako magpapaliwanag, alalahanin mo lang yung video na ginawa ko. Alalahanin mo lang yun Bryan,” bulong sa akin ni Jeff.
Tumugtog na ulit yung kanta. Inisip ko yung video ni Jeff na sinasayaw yung routine namin. Unti-unting nawala sa paningin ko ang mga kaklase naming nanonood. Maging si Mike ay unti-unting nawawala sa paningin ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay si Jeff na nasa tabi ko at ang video ni Jeff na nagsasayaw.
Unti-unti akong sumayaw. Ginagaya ko ang bawat galaw ni Jeff sa video. Sige lang ,sayaw lang ako. Unti-unti kong nararamdaman yung beat ng kanta hanggang sa hindi ko na nakikita yung video ni Jeff. Nakikita ko na ulit si sir at yung mga kaklase ko na nakatitig sa amin. Pero nagsasayaw pa rin ako. Naaalala ko pa rin yung mga steps na tinuro niya sa akin kahit hindi ko na naiisip yung video. Sumulyap ako kay Jeff at nakita ko ang saya nya habang nagsasayaw kami. Sabay nasabay ang galaw naming dalawa. Nakikita ko na ulit lahat ng tao sa room maliban sa isa. Hindi na bumalik sa paningin ko si Mike. Tiningnan ko yung inuupuan niya kanina pero bakante na yun.
Natapos naming ang sayaw naming ng walang mali. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at maging si sir. Pagkatapos ng kanta ay bigla akong niyakap ni Jeff. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang. Marahil ay masaya siya dahil nasayaw naming ng maayos yung inensayo din namin ng ilang araw. Masayang masaya din ako dahil nakapagsayaw ako ng maayos at dahil nakita ko na ulit si Jeff.
Binigay na sa amin ni sir ang grade namin. Nakakuha ako ng 1.25 samantalang si Jeff ay 1.50 dahil sa deduction na binigay sa kanya ni sir.
Hingal nahingal kaming umupo sa bench na kaninang inuupuan ni Mike.
“Care to explain?” tanong ko kay Jeff.
“I’ll tell you everything later. Ok lang ba kung huwag ka na munang pumasok sa next class mo. May kailangan akong sabihin sayo,” sagot ni Jeff.
“Hindi ba pwedeng ngayon na?”
“Hindi pwede. Gusto ko tayong dalawa lang.”
“O sige. Sabihin mo sa akin lahat mamaya.”



Matapos magexam ng buong class ay dinismiss na kami ni sir. Nagpalit muna ako ng damit sa may locker area Samantalang si Jeff ay naghintay na sa labas ng gym.
“Wala ka bang dalang gamit? Basang basa ka ng pawis oh,” sita ko sa kanya.
“Meron sa kotse. Hindi ko na lang nakuha kanina dahil nagmamadali ako. Halika dun tayo mag-usap sa kotse.”
Nang nasa loob na kami ng kotse ay kinuha ni Jeff ang bag niya at inilabas ang shirt niya. Hinubad niya ang basing-basa niyang damit at dun ko unang nakita si Jeff na walang suot na shirt. Hindi ko mapagiling hindi tingnan ang katawan niya. Mas maganda ito kesa sa inakala ko nung una ko siyang makitang nakasando sa bahay nila. Umiwas ako ng tingin para hindi niya mahalatang tinitingnan ko siya.
Matapos niyang magbihis ay nagsuklay siya ng kaunti at biglang hinawakan ang isa kong kamay.
“Bryan, I’m so sorry na hindi ako nagparamdam sa iyo ng ilang araw. Ni hindi man lang kita naitext. Nagkaproblema kasi sa bahay,” umpisa niyang pagpapaliwanag.”
“Alam ko na nag-away kayo ng dad mo pero sana man lang nagtext ka kahit isang beses para alam kong buhay ka pa. Nag-aalala din naman ako kahit papano,” sabi ko sa kanya.
“I know and I’m sorry.” Nang mga oras na ito ay binitawan na niya ang kamay ko at umupo ng tuwid habang ang kamay ay nilagay niya sa manibela. “Nagalit yung dad ko nang malaman niyang pinagluto kita ng pagkain.”
“What? Dahil lang dun kaya siya nagalit? I’m sorry. Kasalanan ko pala ang lahat.”
“Wala kang kasalanan. Ayaw lang niya na ganun ang kilos ko para sa isang lalaki. May sasabihin ako sa’yo Bryan. Wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang may alam nito.”
“Ano yun Jeff?”
Humarap ulit sa akin si Jeff. “I am gay, and both my parents know about it. Sinabi ko yun sa kanila two years ago. Nagkaboyfriend ako when I was still a freshman. Nakilala ko siya nung umattend ako ng isang dance workshop. Nagtrain din siya dun. Naging close kami hanggang sa nahulog loob namin sa isa’t isa. Sa kagustuhan kong maging legal kami sa magulang ko ay inamin ko sa kanila that I’m gay at may boyfriend ako. Naintindihan ako ni Mama. Ang sabi niya ay ok lang daw iyon sa kanya basta daw masaya ako. Pero iba ang nangyari kay dad. Nung una, sabi nya ay nasa identity crisis lang daw ako at malalampasan ko rin daw yun. Pero alam ko sa sarili kong hindi na ko nalilito sa pagkatao ko. High school pa lang aya alam ko nang hindi ako straight. Never akong nagkagusto sa babae. Madalas ay napapansin ko pag gwapo ang isang lalaki. Nang sabihin ko yun sa kanya ay dun na nag-umpisang maging tuluyang malamig ang pakikitungo sa akin ni Dad.”
Hindi ako nakapagsalita sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. Gulat na gulat pa rin ako habang tuloy lang sa pagkuwento si Jeff.
“Kaya nung tinanong mo ako noon kung nagkaroon na ko ng girlfriend ay humindi ako dahil yun naman talaga ang totoo. You never asked me if I ever had a boyfriend that’s why I did not tell you.”
“Kaya nagalit si dad nung nalaman niya kina manang na nilutuan kita ng lunch dahil nagpapakabakla na naman daw ako ng dahil sa lalaki. Nagsagutan kaming dalawa tapos naglayas ako. Nakitira ako sa cousin ko. Naiwan ko yung phone ko sa bahay kaya hindi kita natext. Hindi ako makapasok sa class dahil pinafreeze ni dad lahat ng bank accounts ko. Eh yung perang hawak ko, sakto lang para sa pagkain ko. Buti nga pinahiram ako ng pinsan ko ng pang-gas sa kotse.”
“Edi sana sinabi mo sa kanya na magkaibigan lang tayo kaya ka nagluto,” sabi ko sa kanya.”
“Ayoko namang magsinungaling sa kanya. Pwede nya kong sumbatan na wala akong utang na loob, na bakla ako, na immoral ako, pero hindi niya masasabing sinungaling ako. Gusto ko na may isang bagay siya na hindi niya masasabi tungkol sa akin.”
Naguguluhan na ko sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya na halatang hindi na maintindihan ang sinasabi niya.
“Bryan, tama si dad na nagpapakabakla na naman ako nung nilutuan kita. I’ve never done that to anyone except kay mama. Pero hindi ko alam kung bakit feeling ko kailangan lagi kita napapasaya. Yung pagiging masama ko sayo nung una ay pinipilit kong itanggi sa sarili ko yung nararamdaman ko para sayo kaya gumawa ako ng paraan para mawala iyon. Pero wala ding nangyari eh.”
“Hindi na talaga kita maintindihan Jeff,” sabi kosa kanya.
“Bryan, I like you. No, I like you so much. Nung una pa lang kita nakita nung 1st day of class natin sa PE, naging crush na kita hanggang sa inasar na nga kita at lahat. Nung naging close na tayo, unti-unting nahulog loob ko sa iyo dahil kahit gaano ako kasama ay ni minsan, hindi ka lumaban sa akin, naging mabait ka pa rin sa akin. Inintindi mo yung paiba-iba kong ugali. Look Bryan, hindi ko din ginusto tong nararamdaman ko pero nandito na, hindi ko na matanggi eh. Bryan, I think I love you.”
Tama ba ang narinig ko? Mahal ako ni Jeff? Ni sa panaginip hindi ko inakalang katulad ko rin siya. Pero ang mas nakakagulat pa dun ay yung sabihin niyang mahal niya ako. Ako na walang bilib sa sarili. Ako na hindi mo mapapansin kapag kasama ang maraming tao. Pero mahal DAW niya ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Baka kasi magising na lang siya isang araw at iba na ang nararamdaman niya.
May iniabot siya sa aking kahon. Nang buksan ko ito ay puro papel ang nakita ko. Ang sabi niya ay basahin ko daw lahat. Mga sulat niya iyon sa Mama niya. Pero nung tingnan ko yung date ay ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas nang isulat niya yun samantalang isang tao nang patay ang mama niya.
“Mula nang mamatay si Mama, lagi ko siyang sinusulatan tapos tinatago ko yung sulat. Imbes na magtago ako ng journal o diary, kay Mama ko na lang sinasabi lahat tungkol sa buhay ko. Lahat ng laman ng box na yan ay yung sulat ko sa kanya simula nung una kitang makita sa class hanggang kagabi. Araw-araw ay hindi pwedeng hindi kita mababanggit sa kanya. Nagtataka ka kung bakit bigla akong bumait sa iyo? Kinausap ako ni Mama sa panaginip ko at sinabi niyang wala daw maidudulot na mabuti sa akin ang pagiging masama ko sa ‘yo. Ginawa ko naman lahat para mawala to Bryan eh, pero wala lang din.”
“Parang hindi totoo lahat ng nangyayari. Iniisio ko na nananaginip lang ako. Pero yung mga sulat na hawak ko, ramdam na ramdam ko at nababasa ko ang mga sulat niya na patungkol sa akin. Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya.”
“I’m so sorry Bryan….huy, magsalita ka naman. Galit ka ba? Ok lang kung gusto mo akong sapakin,” pag-aalala niyang sinabi.
“Bakit naman kita sasapakin? Edi nasaktan pa ako nun. Para lang kasing hindi totoo lahat eh. Malay ko ba kung niloloko mo lang ako.”
Hindi agad nagsalita si Jeff. Nang tiningnan ko siya ay nakita kong may tumutulong luha. Doon ko nalaman na sincere siya sa lahat ng sinasabi niya.
“Hindi kita masisisi kung hindi ka maniwala. Pero yun talaga ang totoo Bryan. I do not expect for you to feel the same way. Hell, I do not even know if you like me. For all I know, straight ka at bugbugin mo ako maya-maya. But I’m taking my chances here Bryan.” Tuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko alam kung paano. Sasabihin ko na lang sa kanya ang totoo, total sinabi ri naman niya sa akin ang totoo kahit walang kasiguraduhan na matatanggap ko ito.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Jeff. I also like you. I might also love you. Pero hindi ko alam kung handa na ako sa ganito. Hindi ko alam kung kaya ko na. Hindi ko pa nararanasan na magmahal ng kapareho ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.”
“Wala namang may alam satin Bryan eh. Lahat tayo nagbabaka-sakali lang.”
“I know. Pero ayoko kasing masayang yung samahang binubuo natin.”
“I understand you Bryan. As I said earlier, hindi naman ako nag-eexpect. Gusto ko lang malaman mo lahat-lahat because you deserve to.”
“Sobrang natuwa ako na inamin mo lahat sa akin Jeff. Pero siguro let’s take things slow. Wag nating piliting pasukin ang isang bagay kung hindi pa naman tayo handa. Baka magsisi tayo sa huli,” sabi ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot pero tumigil na siya sa pag-iyak. Sa wakas ay nasabi ko na sakanya ang nararamdaman ko. Niyakap ko na lang siya at sabing, “nagugutom ako, kain tayo Jeff.”
Kumalas kami sa pagkakayakap at nagtawanan ng malakas. Magmula noon ay alam kong lalong titibay ang samahan namin. Alam na namin na mahal namin ang isa’t isa pero hindi kami nagmamadaling pumasok sa isang relasyon.
Habang papunta kami sa Jollibee na malapit sa school ay tsaka ko lang naalala nag tingnan ang phone ko. May 13 ng text messages at lahat ng iyon ay galing kay Mike. Tinatanong niya kung nasan ako at kung bakit hindi ako pumasok sa class namin. Nakalimang miss calls din siya sa akin. Magrereply na sana ako sa kanya ng biglang kunin ni Jeff sa akin ang phone ko.
“Mamaya na yan, kain muna tayo,” sabi niya sabay balik sa akin ng phone ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari pero sobrang saya ko. Ang isang lalaking sinasabi ko noon na perfect guy, ay inaming mahal ako. Siguro ako na ang pinakamasayang tao ng mga oras na iyon.




Nagtake-out kami at doon kami sa kotse nya kumain. Puro lokohan at tawanan lang kami. Pero kung paminsan ay naging seryoso din ang usapan namin. Kung titingnan mo nga kami ay parang kaming dalawa na. Siguro ang sitwasyon namin ay parang may relasyon na pero hindi lang namin ito nilalagyan ng label. Ang importante sa amin ay panatag kaming mahal namin ang isa’t isa.
Habang kumakain kami ay paulit-ulit na tumutugtog sa player niya ang kantang ginamit namin sa exam namin. Naging espesyal na iyon sa amin dahil dun kami nag-umpisang magkasundo.
“Jeff, bumalik ka na sa bahay niyo. Mag-sorry ka na sa dad mo,” sabi ko sa kanya.
“Sige Bryan mamaya. Ayoko lang kasi na pinapakialaman pa niya ako.”
“Magulang mo pa rin siya kahit anong mangyari.”
“Eh bakit hindi ko maramdamang mahal niya ako?”
“Hay Jeff, hindi ko din alam. Pero gawin mo na lang ito para sa mama mo. Sigurado akong ayaw niya na nagkakaganito kayo ng daddy mo.”
“Sige,” tugon ni Jeff. “Bryan, pwedeng subuan mo ulit ako ng fries?”
“O bakit? Hindi ka naman nagmamaneho ah?”
“Sige na, please?” Mukhang naglalambing itong si Jeff. Natuwa naman ako kahit papano kaya ginawa ko na din ang gusto niya. Natatawa ako habang sinusubuan ko siya habang si Jeff ay nakangiti lang.
Nagtext sa akin si Alvin, punta daw kaming mall. Inaya ko si Jeff na sumama sa amin.
“Ok lang ba sa mga kaibigan mo?”
“Bakit naman hindi? Naku, tiyak matutuwa si Alvin,” patawa kong sabi.
“Paano kapag nagtaka sila?”
“Sasabihin kong kaibigan kita. Wala namang masama dun.”
“O sige pero wag mo akong iiwanan mag-isa dun ah, baka ma-OP ako.”
“Aba, hindi ko pala alam na na-o-OP ka din pala,” pang-asar ko.
“Bryan naman, eh. Ikaw na nga lang pumunta dun,” pikon na sagot ni Jeff.
“O tingnan mo ‘to. Kapag siya nang-aasar hindi naman ako napipikon. Sorry na Jeff. Akong bahala sa ‘yo,” sabi ko sabay kindat na halata kong ikinatuwa naman niya.
“Bryan, favor ulit, ok lang?”
“Magpapasubo ka na naman?”
“Hindi.”
“Eh ano?”
“Pwede bang payakap ulit? Parang namiss ko agad eh,” naglalambing na sabi ni Jeff.
Hindi ko pinahalata sa kanya pero kinilig ako sa gusto niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap din naman niya ako. Mga isang minute din kaming magkayakap. Ang sarap sa pakiramdam. Parang tamang tama lang ang katawan niya sa mga bisig ko. Sana lagi na lang kaming ganito.
“Sana pwede kitang yakapin kahit saan ano.” Si Jeff parang nagpaparinig.
“Ok lang ba sa iyo yun? Baka mapag-usapan tayo sa school.”
“Ok lang, wala naman akong pakialam sa sasabihin nila, eh.”
“Pero Jeff, diba nga hindi pa tayo? Parang hindi pa maganda na magyakapan sa harap ng kung sinu-sino. Tsaka hindi ko alam kung ok sa akin yung ganun,” sabi ko sa kanya.
“Ok. Sorry ah, gusto ko lang kasi na lagi kang mayakap.”
“Sorry din Jeff kung hindi pa ako handa sa ganun.”
Ngumiti na lang si Jeff at niyakap akong muli. Alam kong naiintindihan niya ako. Umalis na kami papunta kina Alvin.
“Aba, kasama mo pala si Papa Jeff,” pambungad na bati sa amin ni Alvin. Magkakasama na sila nina Mike at ng dalawa pa naming kaibigang babae na sina Sarah at Anne.
“Ah oo, magkasama kasi kami nung nag-aya ka kaya sinama ko na siya,” sagot ko. Nang tingnan ko si Mike ay parang hindi siya masaya. Hindi ko alam kung bakit.
“Ok nga yan eh, para may ka-date ako,” patawang sabi ni Alvin. Bigla niyang tinabihan si Jeff na tinawanan naman namin. Tumingin ako kay Jeff na parang nagtatanonog kung ok lang ba sa kanya iyon. Tumango naman sya kaya hinayaan ko na lang. Nilapitan ko si Mike upang kamustahin.
“Best friend, may ginawa ba kanina sa class natin?”
“Bakit hindi ka pumasok Bry? First time mong mag-absent ah.”
“Ah kumain kasi kami ni Jeff, mataas kasi nakuha naming grade sa exam namin.”
“Ok,” payak na tugon ni Mike na ipinagtaka ko. Hindi ko alam kung galit sa akin si Mike. Siguro ayaw lang niya na hindi ako pumapasok sa mga klase ko. Hinayaan ko na lang siya. Tinanong ko na lamang silang lahat kung ano bang gagawin namin sa mall.
Nilibot lang namin ang buong mall. Sina Alvin, Sarah at Anne ay nagwindow shopping. Natatawa ako habang naglalakad kami dahil si Alvin ay talagang nakakapit sa braso ni Jeff. Natutuwa ako kay Jeff dahil hindi siya nagagalit kay Alvin. Ako naman ay sinasabayang maglakad si Mike na kanina pa wala sa mood. Paminsan nga ay akmang kikilittin ko siya pero wala lang siyang reaksiyon.
Nang mapagod na sila maglibot ay nag-aya silang kumain. Medyo busog pa kami ni Jeff pero wala kaming nagawa kundi kumain ulit. Sa Pao Tsin nila naisipang kumain.
“Bryan, ok lang ba kung hati na lang tayo sa isang order? Medyo busog pa kasi ako eh,” tanong sa akin ni Jeff.
“O sige. Ako din busog pa eh,” sagot ko. Naalala kong wala nga pala siyang pera kaya sinabi kong ako na lang muna ang magbabayad. Nung una ay ayaw pa niyang pumayag at sinabing kasya pa naman daw ang dala niya pero nagpumilit ako. Mabuti na lang at napapayag ko siya.
Nang nakaupo na kami sa table, inumpisahan nang magtanong ni Alvin, Sarah at Anne si Jeff. Napakatsimosa talaga ng mga ‘to.
“Diba Jeff dati inaapi mo si Bry? Bakit ngayon magkabati na kayo?” usisa ni Anne.
“Ah nagsorry na ako sa kanya tungkol dun. Hindi ko naman talaga yun sinasadya. Nasaktan lang talaga ako nung nasipa niya ko,” sagot ni Jeff na nakangiti. Ang gwapo niya talaga pag nakangiti siya.
“Eh diba aksidente lang naman yung nangyari? Bakit kailangan mo pang pahiyain yung tao sa harap ng class niyo?” Nagulat ako sa sinabi ni Mike. Magkatabi kami ni Jeff sa table. Nasa kanan ko naman si Alvin. Samantalang sina Anne, Mike at Sarah ay nasa kabilang side. Ang sama ng tingin ko kay Mike nung sinabi niya yun.
Kinabahan ako. Sana wag siyang patulan ni Jeff.
“I know. Sorry talaga. It was rude and pinagsisisihan ko na yun,” mahinang sagot ni Jeff. Halata ko kay Jeff ang pagkapahiya kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. Tumingin siya sa akin at impit na ngumiti.
“Wala na yun. Matagal ng tapos yun eh, wag na nating ungkatin. Kumain na lang tayo,” malakas kong sabi sa lahat.
“Oo nga. Ito talaga si Mike oh, panira ng moment,” maarteng komento ni Alvin.
Tiningnan ko si Mike. Nakatungo lang siya at pinaglalaruan ang pagkain niya. Hindi ko na siya maintindihan.
Kumain na lang kami. Mabuti na lang at ok na si Jeff. Nag-aasaran na kami. Nag-aagawan kami sa natitirang isang dumpling. Nahalata iyon nina Sarah.
“Huy kayong dalawa. Hindi dapat kayo naghati, mukhang pareho kayong masiba eh,” sabi ni Sarah sabay tumawa.
“Dapat kasi Jeff sa akin ka na lang nakihati para sweet. Haha!” Si Alvin talaga, grabe makabanat.
Nakita kong medyo natawa si Jeff. Hay, sana lagi na lang siya masaya.
Mga alas sais na ng gabi ng mag-aya sina Anne na mag-Timezone daw kami.
“Bryan, hindi na ko makakasama sa inyo. Tutuparin ko pa yung promise ko sa’yo. Dadaan ako sa bahay ng pinsan ko tapos uwi na ko sa bahay,” paalam sa akin ni Jeff.
“O sige. Ingat ka ah.” Sinabi ko kina Alvin na aalis na si Jeff. Biglang lumapit si Alvin at niyakap si Jeff. Natatawa talaga ako sa mga ginagawa niya. Kung alam lang ni Alvin. Haha.
“Have fun,” sabi sa amin ni Jeff. Akala ko aalis na siya pero nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, “I love you.”
Halos matunaw ako ng mga sandaling iyon. Kung katulad lang ako ni Alvin, malamang nagtatalon na ko at tumili sa sobrang kilig. Pero buti na lang at napagilan ko sarili ko. Nginitian ko lang siya. Umalis na siya at habang naglalakad ay humarap ulit siya sa amin at kumaway. Kaming dalawa ni Alvin ay sabay na kumaway sa kanya kaya nagtawanan na naman kami.
Habang papunta kami saTimezone ay tinext ko si Jeff.
Ako: I love you.
Jeff: Akala ko hindi mo sasabihin eh. Magtatampo na sana ako.
Ako: Sorry. Binigla mo naman kasi ako kanina. Sana man lang may warning.
Jeff: Kasalanan ko pa pala. Haha. Mag-enjoy ka diyan ha!
Ako: Sure! Ingat Jeff ah!
Jeff: Uuuuyyy concerned siya sa akin.
Ako: Syempre naman.
Jeff: Opo, magiingat po ako sir. Hehe. I’ll just text you later. Mag-drive na ko.
As usual, basketball, air hockey, at dance revo na naman ang nilaro namin. Si Mike, biglang sumigla at parang bumalik na sa sarili niya. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina kaya hindi ko siya pinapansin. Ganun din naman siya. Parang hindi kami nagkakakitaan. Mabuti na lang at busy sina Alvin sa kakalaro kaya hindi na nila ito napansin.
Nasa dorm na ako nang magtext sa akin si Jeff. Kanina ko pa siya tinetext pero hindi siya nagrereply.
Jeff: Bryan, sorry ngayon lang ako nakapagtext. I’m already home. Hindi nagalit sa akin si Dad and sabi niya i-aactivate na niya ulit bank accounts ko. Mayaman na ulit mahal mo. Haha
Ako: Haha! Yabang!
Jeff: Diba bukas isa lang class mo?
Ako: Oo, bakit?
Jeff: Hanggang 4:00 class ko. Ok lang ban a hintayin mo ako? Gusto kita makasama eh. Itutuloy na natin yung naudlot na pagkain natin sa labas last week.
Ako: Oh that…Haha. Sure. Uwi na lang muna ako sa dorm after class. Ok lang ba na doon tayo magkita?
Jeff: Sure. Sunduin na lang kita dun.
Ako: Ok. Magpahinga ka na. Pagod ka sa byahe.
Jeff: Hay, ang sarap ng feeling na may concerned sa akin. Sobrang thank you Bryan. Nakwento ko na din pala kay Mama yung nangyari kanina. For sure natatawa yun sa ating dalawa.
Ako: No prob. Ikaw pa, eh malakas ka sa akin. Parang naririnig ko nga yung tawa nya dito eh.
Jeff: Ako din naririnig ko! Hehe. O sige, tulog na tayo. Good night Bryan. Sweet dreams.
Ako: Good night. Sweet dreams.
Pinatay ko na ang ilaw ng room ko para matulog ng biglang mag-ring ang phone ko. Si Jeff ang tumatawag.
“Oh bakit ka pa tumawag? Akala ko matutulog ka na,” pagtataka ko.
“Matutulog na nga. I just want to tell you something.”
“Ano yun?”
“I love you, Bryan. And I’ll never get tired of saying that.”
Kinilig na naman ako! Grabe talaga itong si Jeff. Sana hindi niya rinig sa phone yung pagkakilig ko.
“I’ll never get tired of listening to it Jeff. I love you, too.”
Binaba na namin yung phone at natulog na. Pinilit kong makatulog agad pero naiisip ko pa rin lahat ng nangyari kanina. Parang pang-telenovela yung nangyari sa amin. Pero iba ito. Totoong nangyari iyon sa amin. Sana huwag magbago yung nararamdaman niJeff.
Kinabukasan ay natuloy na ang pagkain namin ni Jeff sa labas. Sobrang saya nun. Sa isang fine-dining restaurant kami kumain. Natutuwa daw siya sa akin dahil hindi ako masyado marunong gumamit ng knife. Madalas ko yung nabibitawan. Tinuruan naman niya ko tapos pinaghiwa pa niya ako para daw hindi na ako mahirapan.
At sa mga sumunod na araw ay lagi ko na siyang sinasama sa lakad ng barkada. Napalapit na rin siya kina Alvin, Sarah, at Anne. Tuwang tuwa ako dahil gusto siya ng mga kaibigan ko, maliban lamang kay Mike. Hindi ko alam pero naging tahimik siya simula ng isama ko si Jeff. Siguro ay nagseselos. Sinusubukan ko namang sabihin sa kanya na siya pa rin best friend ko pero parang wala lang sa kanya. Madalas na rin siyang hindi sumasama sa amin. Nagtataka na nga rin sina Alvin eh.



Christmas vacation na namin. Sina Alvin at Anne ay bumalik sa La Union. Si Sarah naman ay sa boarding house lang daw magpaPasko. Ako ay umuwi ng Cavite.
Madalas pa rin kaming magkatext ni Jeff. Kung minsan ay nagkikita kami sa Greenbelt. Yun ang favorite naming puntahan na mall. Tahimik kasi tsaka ang sarap maglakad-lakad. Walang araw na hindi kami magkatext ni Jeff. Aminado akong namimiss ko siya kaya lagi akong nagpapaload para makatext siya.
Si Mike naman, tinetext ko din pero hindi nagrereply. Nag-aalala na ko at nalulungkot sa nangyayari sa amin ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nanlamig sa amin.
December 24 na. Busy ako sa pagtulong kina Mama at Papa sa pagluluto. Si Jeff naman, sabi niya siya daw ang nagluluto ng handa nila pero wala daw ang daddy niya sa bahay nila. Nag-out-of-town daw kaya sina manang lang ang kasama niya. Naawa ako ng malaman ko yun pero sabi niya ay sanay na daw siya dahil lagi naman daw ganun ang nangyayari. Kaya ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko siya ng 11 pm. Nahirapan nga ko tawagan siya nun eh. Ganun naman lagi pag Pasko, palpak mga telecomm companies. Nagload ako ng 500 para siguradong aabot ng midnight yung tawag ko.
Magkausap lang kami ni Jeff. Hinahanda na daw niya sa table nila yung mga niluto niya. Sina manang daw inaayos na yung mga regalo nila sa isa’t isa. Ako naman ay naghahain na din ng mga niluto ni Papa.
Midnight na kaya binati ko na siya ng Merry Christmas.
“Merry Christmas din Bryan,” bati sa akin ni Jeff.
“Ano Christmas wish mo Jeff? Sana ibigay sa’yo yun ni Santa. Haha”
“Nabigay na niya.”
“Oh talaga? Ano? Yung gusto mong phone?”
“Hindi. Ikaw.”
As usual, kinilig na naman ako. Lagi na lang ako pinapakilig nito ni Jeff.
“Nambobola ka na naman.”
“Hindi bola iyon. Grabe ka,” nagtatampong sabi ni Jeff.
“Joke lang. Naniniwala naman ako eh.”
“Ikaw Bryan, ano wish mo?”
“Wala. Sobra sobra na na ibinigay ka sa akin. Ang selfish ko naman kung maghangad pa ko.”
“Uy bumabanat ka na din ah. Kinilig naman ako dun. I love you Bryan.”
“I love you Jeff. Kakain na daw kami. Text na lang kita later ah.”
“Sige kakain na din kami. Thank you nga pala sa pagtawag. Sobrang naappreciate ko. At alam kong gumastos ka eh ang kuripot mo,” pang-aasar niya.
“Eh kasi nga malakas ka sa akin. At least parang kasama mo na rin ako. O sige babye na.”
“Bye. Merry Christmas ulit.”
Matapos naming kumain ay natulog na kami. Ganun din ang ginawa nina Jeff, Sa umaga pa namin bubuksan ang mga regalo.
Pagkagising ko ay naka tatlong text na si Jeff.
Jeff: Good morning Bryan! Merry Christmas ulit!
Jeff: Mukhang puyat ah, hindi pa rin gising.
Jeff: Hey. If ever pupunta ako dyan sa inyo, paano kaya?
Mga 10 am na nun kaya siguro nangungulit na itong si Jeff. Naghilamos lang ako at nagtoothbrush tapos ay nireplyan ko na siya
Ako: Good morning! Kakagising ko lang eh.
Ako: Papunta dito sa amin?
Jeff: Oo, kunwari galing dito sa amin.
Ako: Hmmm… paano ba.. Diretsuhin mo lang yung EDSA extension tapos kaliwa ka sa Macapagal Ave. hanggang Coastal Road…
Tinext ko nga kay Jeff yung direksyon papunta sa amin. Hindi ako nagtaka kung bakit niya tinanong. Marahil ay nangungulit lang siya.
Pagbaba ko ng bahay ay binuksan ko na yung mga regalo sa akin. Binigyan ako ni Mama ng wallet na may lamang 5oo pesos. Si papa naan ay binigyan ako ng bagong phone. Wala akong regalo sa kanila, alam kasi nilang kuripot ako. Madalas, ang regalo ko lang ay ‘hugs and kisses’ na siya namang ikinatutuwa na din nila.
Manananghalian na kami ng itext ko ulit si Jeff pero wala na siyang reply. Ang inisip ko ay busy na sa bahay. Pero hapon na ay wala pa rin. Nag-aalala na naman ako kaya sinubukan ko na siyang tawagan pero hindi niya sinasagot.
Biglang nagring phone ko ng bandang 5:30. Nasa room ko lang ako ng mga oras na ‘to.
“Huy Bryan.”
“Jeff, hindi ka na naman nagparamdam kanina. Kinabahan na naman ako eh.”
“Hehe. Basta. Na saan ka ngayon?”
“Dito lang sa room ko. Bakit?”
“Ah wala lang. Hmmm. Nagdadrive kasi ako kanina. Eh ngayon parang naliligaw ako eh.”
“Huh? Saan ka ba dapat pupunta?”
“Hindi ko nga alam eh. Basta dito lang ako napunta.”
“Idescribe mo yung lugar baka alam ko. Nasa Manila ka ba?”
“Napasok ako sa isang subdivision eh. Tapos andito ako ngayon sa tapat ng isang bahay na may green and yellow na gate. May tindahan din sila sa garahe nila. Alam mo ba kung saan ‘to? Parang nasa Cavite ako ngayon eh.”
Kinabahan ako sa sinabi niya. Parang pamilyar sa akin yung lugar na yon. Ang ginawa ko ay pumunta ako sa may terrace namin at sumilip sa labas ng bahay. Nakita ko ang kotse nya na nakaparada sa harap.
“Jeff! Nagpunta ka sa bahay?”
“Haha. Bahay mo ba ‘to? Ay oo nga ‘no. I just followed your directions. Nakalimutan kong papunta nga pala iyon sa inyo,” natatawa nyang sagot.
Tumakbo ako pababa at palabas ng bahay.
Nang nakita niya akong lumabas ng bahay ay bumaba na rin siya ng sasakyan.
“Merry Christmas Bryan ko!!” Mabuti na lang at walang tao sa labas namin, baka kung sino na nakarinig nun. Sina mama naman ay nasa loob lang din ng bahay.
“Bakit ka nagpunta?”
“Ayaw mo ata eh, o sige uwi na lang ako,” malungkot na sabi ni Jeff.
Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. “Uy wag, nagulat lang ako. Buti na lang hindi ka nawala.”
“Gusto lang sana kita makausap eh. Halika pasok tayo sa kotse.”
Pumasok na nga ako ng kotse. Kinakabahan ako. Sa tuwing nasa loob kasi kami ng kotse nya ay kakaiba ang mga nangyayari.
Pagkaupo namin ay may kinuha siya sa back seat at iniabot ito sa akin. Bingyan niya pa ako ng regalo.
“Hala salamat! May regalo din ako sa ‘yo kaso nasa room ko pa. Kunin ko lang,” sabi ko sa kanya.
“Wag na. Mamaya na lang.”
Binuksan ko yung regalo at nagulat ako sa laman. Isang white gold necklace. Alam kong ang mahal nun. Tumingin ako sa kanya na parang nagtataka.
“Yun na nga yung gusto kong pag-usapan natin Bryan. Alam mo naman kung gaano ako kasaya nung nalaman kong mahal mo din ako. Sabi mo wag tayong magmadali. Ok lang naman sa akin iyon. I mean I’m really happy every time na magkasama tayo kasi parang tayo na rin namang dalawa pero hindi lang official.”
Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang.
“Bryan, I want to be your boyfriend. Alam ko hindi ka pa handa. Hindi mo pa nararanasan yung ganito. Pero I hope you’ll take your chance on me. I may not be the best man in this world but I know I am the best man for you. I’ll take care of you.”
Yun na nga ba ang sinasabi ko. Hindi naman sa ayokong maging boyfriend siya. Hindi ko lang kasi alam kung kaya namin. Takot lang ako. At mukhang nabasa niya yun sa mukha ko.
“I know you’re scared. Hell, we’re all scared. Pero alam ko, na kapag ikaw ang kasama ko, makakaya natin lahat. I won’t promise a perfect relationship. Alam kong mag-aaway at mag-aaway din tayo, but I’m willing to face that dahil alam kong ikaw ang kasama ko.”
Hindi pa rin ako makapagsalita. Patuloy pa rin na nakatingin sa akin si Jeff.
“Huy ano Bryan, magsalita ka naman. Naiiyak na ako eh,” sabi niya sa akin. At totoo ngang nangingilid na ang mga luha niya sa mata.
Nag-ipon ako ng lakas ng loob at pumili ng mga salitang dapat sabihin. Huminga ako ng malalim.
“Takot talaga ako Jeff. Hindi ako marunong maghandle ng ganitong relationship. Pero tama ka, dapat hindi ako mag-aalala dahil ikaw ang kasama ko,” hinawakan ko ang kamay niya, “Jeff, I also want to be your boyfriend. Pero wag mo ako masyadong paiiyakin ah.” Salamat at nailabas ko na din iyon.
Bigla akong hinila ni Jeff at niyakap. Ang higpit ng yakap niya na talaga namang ikinagaan ng pakiramdam ko. Niyakap ko din siya.
“I love you so much Bryan,” bulong niya.
“I love you so much too Jeff.”
“So tayo na?” tanong niya habang nakayakap sa akin.
“Yes,” sagot ko sa kanya. Lalo pang humigpit ang yakap niya ng narinig niya ang sagot ko.
Nang bumitaw siya sa akin ay bigla niya akong hinalikan. Saglit lang naman at inalis din agad niya ang labi niya sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay namula ako sa ginawa niya. Ngumiti na lamang ako.
“Akin na yung kwintas Bryan, isusuot ko sayo,” sabi ni Jeff.
Iniabot ko sa kanya ang kwintas. Nang nabuksan na niya ang lock ay lumapit siya sa akin upang maabot niya ako. Inilagay niya ang mga kamay niya na akmang yayakapin ako at isinuot na sa akin ang regalo niya. Napakasweet ng ginagawa niya.
“Bagay sa ’yo,” papuri niya.
“Salamat. Lagi ko tong susuotin,” tugon ko.
Bahagya pa niyang tinitigan ang kwintas na soot ko at parang tuwang tuwa siya.
“Pasok ka sa loob, kain ka muna,” paanyaya ko.
“Nakakahiya. Baka andyan parents mo.”
“Wag ka na mahiya. Ako bahala.”
Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok ng bahay. Sina mama at papa ay nasa sala, nanonood ng TV.
“Saan ka galing Bryan?” tanong ni Mama.
“Mama, papa, may papakilala ako sa inyo,” sabi ko sa kanila. Nasa tabi ko lang ng mga sandaling iyon si Jeff na nakayuko. Tumingin ako sa kanya saglit at kinausap na ulit sina mama.
“Si Jeff po. Classmate ko siya sa street dance. Boyfriend ko po siya.” Kinakabahan din ako habang sinasabi yun. Alam na nina mama ang tungkol sa akin. Sinabi ko iyon sa kanila dati dahil wala nga akong tinatagong kahit ano sa kanila. Naintindihan naman nila at ang sabi nila noon ay gusto nilang makilala kung sinuman ang mamahalin ko, kaya ayun, pinakilala ko sa kanila.
“Good evening po Maam, Sir,” mahinang bati ni Jeff na may kasamang pagyuko. Alas sais na nga ng gabi ng mga oras na iyon.
“Good evening din hijo. Kumain ka na ba? Halika sabayan mo na kami,” paanyaya ni Papa. Mabuti na lang at hindi siya nagalit sa akin. Yan ang pinakapinagpapasalamat ko. Tanggap ni Papa kung ano ako. Alam kong nasaktan siya nung nalaman niya pero siguro mahal lang niya talaga ako.
Tumayo na si papa at nag-umpisang maghain. Umupo naman kami ni Jeff sa may sofa.
“Jeff, ilang taon ka na?” Nag-umpisa ng magtanong si mama. Hindi naman ako natatakot dahil alam kong mabait siya.
“19 po,” mahinang tugon ni Jeff.
“Magkasing-edad pala kayo ni Bryan so graduating ka na din?”
“Third year pa lang po. Sa States po kasi ako naghigh school. College lang po kami bumalik dito sa Philippines.” Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.
“Ah ok. Nakukwento ka na sa amin dati ni Bryan eh. Ikaw daw yung kapair niya sa midterm niyo sa PE. Nahihirapan ka nga daw turuan siya,” nakangiting sabi ni Mama. Alam ko ang ginagawa niya, Sinusubukan niyang iparamdam kay Jeff na tanggap nila.
“Ah hindi naman po. Nakuha din naman po niya agad after three practices,” nakangiti niyang sagot. Hay salamat at nakangiti na din siya.
“Hali na kayo. Kain na tayo,” tawag sa amin ni Papa.
At kumain na nga kami. Nagtanong pa sina mama at papa tungkol kay Jeff, pero hindi naman nila ito tinatakot. Nagkuwento din sila ng konti tungkol sa akin na minsan ay napaphiya pa ako. Si Jeff naman ay mukhang kumportable na dahil nakakapagtanong na siya kina mama ng tungkol sa akin. Masayang masaya ako ng mga panahong iyon.
Pagkatapos naming kumain ay kami na ni Jeff ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ay may sinabi siya sa akin. “Bryan, ginulat mo ako sa ginawa mo. Hindi mo man lang sinabi na ipapakilala mo na agad ako. Mabuti na lang at gwapo ako ngayon,” natatawa niyang sabi.
“Lagi ka namang gwapo, eh. Sabi ko sayo noon diba, malapit ako sa mga magulang ko kaya gusto ko lahat alam nila.”
“Oo nga. Sobrang thank you. Naflatter ako ng sobra dahil ibig sabihin nun proud ka sa akin,” palambing niyang sabi.
“Kahit sino naman ay magiging proud sa iyo.”
Matapos namin maghugas ay pinaupo ko muna siya sa sala. Nagkukwentuhan na sila ni Mama. Si Papa naman ay nagbantay ng tindahan. Kinuha ko naman sa taas ang regalo ko sa kanya.
Nagpaalam ako kina mama at papa na may pupuntahan lang kami saglit at babalik din agad. Nagpaalam na rin si Jeff at nagpasalamat. Pumasok na siya sa loob ng kotse. Habang si papa ay kinausap pa ako saglit.
“Bryan, hindi ako tutol sa pinasok mo. Oo masakit sa akin pero kung dyan ka masaya, tanggap ko na. Ang ayoko lang talaga ay yung masaktan ka. Sigurado ka ba dyan sa pinapasok mo?” Bakas ko kay Papa ang bahagyang pagkalungkot.
Niyakap ko na lang siya. “Papa, mahal ko siya. Mahal din niya ako. Kaya ko na po ito.”
“O siya sige. Sayang kasi kayong dalawa. Pareho pa naman akyong may itsura. Sayang mga lahi niyo,” pagbibiro ni Papa. Natawa ako sa sinabi niya. Pero kahit nagbibiro siya, alam kong nasasaktan siya. Gustuhin ko mang humingi ng tawad, hindi ko nakikitang kasalanan itong ginagawa ko.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa kotse.
Umikot-ikot lang kami sa subdivision. Hawak hawak ni Jeff ang kamay ko habang siya ay nagmamaneho. Huminto kami sa tapat ng chapel.
“Aalagaan kita Bryan.”
“Aalagaan din kita.”
“Paano kapag nagtanong ang mga kaibigan mo?”
“Sasabihin ko sa kanila na boyfriend na kita. Pero pakiramdam ko, kailangan kong kausapin ng masinsinan si Mike tungkol dito.”
“Nakausap mo na ba siya?”
“Hindi pa nga, eh. Binati ko siya kanina pero hindi siya sumagot. Sinubukan ko siyang tawagan pero wala din. Nag-aalala na nga ako. Pakiramdam ko galit siya sa akin.”
“Bakit naman siya magagalit sa iyo? Wala ka namang ginawang masama sa kanya.”
“Hindi ko alam. Hay, bahala na. Uy gabi na, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?”
“Hindi naman ako hahanapin dun. Pero sige uuwi na rin ako. Medyo napagod ako sa kakaluto kagabi eh. Kulang pa ako sa pahinga,” pangiting sabi ni Jeff.
“O sige magpahinga ka na.”
Hinatid ako ni Jeff sa bahay at nagpaalam na siya sa mga magulang ko.
“Mag-ingat ka sa pagmamaneho ah. Bawal antukin. Text mo ako pag nakauwi ka na. Oo nga pala may ito yung regalo ko sa’yo. Medyo nahihiya na nga akong ibigay yan dahil ang ganda ng regalo mo sa akin,” sabi ko sa kanya sabay abot ng regalo.
“Ano ka ba, bakit ka mahihiya?’ Binuksan na ni Jeff yung regalo. Binigyan ko siya ng libro, The Tao of Pooh. Yun kasi yung unang book na nagustuhan ko talaga.
“Wow thank you Bryan. Ayan may mababasa na ko. Matagal ko ng gusto magbasa kaso hindi ko naman alam kung ano maganda basahin.”
“Sorry yan lang nabili ko, ah”
“Ano ka ba? Gusto ko nga eh. Thank you talaga.” Muli akong niyakap ni Jeff.
“O siya umuwi ka na para makapagpahinga ka na.”
“Sige Bryan. I love you.”
“I love you so much Jeff. Bye. Ingat ka.”
Sinara na niya ang kotse at umalis. Pumasok ako ng bahay at nadatnan ko sina mama na nasa sala.
“Sigurado ka ba sa pinapasok mo anak?” tanong ni mama.
“Opo ma. Sana po maunwaan niyo ako.”
“Tanggap naman namin anak. Basta ayaw lang namin na may inililihim ka sa amin. O siya sige magpahinga ka na sa taas,” sabi ni mama.
Umakyat na ako at naglinis ng katawan. Nakahiga na ako at hinihintay ang text ni Jeff. Makalipas ang mahigit isang oras ay tumawag siya.
“Dito na ako sa bahay Bryan.”
“O sige magpahinga ka na. Nakahiga na ako eh,” sabi ko sabay tawa.
“O sige. Good night. Sweet dreams. I love you.”
“Good night. Sweet dreams. I love you, too.”
Pagkagising ko kinaumagahan ay may nareceive akong text kay Mike.
Mike: Kita tayo ngayon.
Ako: Saan? Baka hindi ako payagan.
Mike: Puntahan kita sa inyo.
Ako: Teka lang. Text kita kung pwede ako.
Mike: Please.
Tinext ko muna si Jeff para magpaalam.
Ako: Good morning Jeff. Nagtext si Mike.
Jeff: Good morning. Ano sabi?
Ako: Gusto makipagkita sa akin. Punta daw siya dito sa bahay. Ok lang ba sa ‘yo?
Jeff: Ano ba pag-uusapan niyo?
Ako: Wala din akong idea eh.
Jeff: Ikaw bahala kung makikipagkita ka. I trust you Bryan.
Ako: Sige makipagkita na lang ako para masabi ko na rin sa kanya yung tungkol sa atin.
Jeff: Ok. I love you.
Ako: I love you, too.
Tinext ko na ulit si Mike para sabihin na makipagkita na lang ako sa kanya. Ayoko naman na may dalawang lalaki na pupunta sa bahay namin ng magkasunod na araw. Kahit papano ay nahihiya din ako kina mama at papa. Sinabi ko kay Mike na doon na lang sa mall na malapit samin kami magkita.
Nahuli ako ng limang minuto sa tinakda naming oras. Pagpunta sa lugar na pagkikitaan namin, andun na si Mike, nakaporma. Ngayon ko lang ulit siya magbihis ng ganun. Ang gwapo niya sa suot niya kaya hindi na ko nagtataka na marami ang napapatingin sa kanya pag dinadaanan siya.
“Mike sorry nalate ako. Merry Christmas,” bati ko sa kanya.
“Merry Christmas din Bry. Ito o, may regalo ako sa ‘yo.” Inabot sa akin ni Mike yung box na hawak niya. Ng binuksan ko ito ay nakita ko ang isang Powercard sa Timezone. Hindi ko naunawaan kung bakit yun ang regalo niya sa akin.
“Matagal ko ng ginagamit yan pag naglalaro ako. May 1,400 e-tickets na yan. Marerescue mo na yung action figure ni Woody.”
Naalala pa pala niya. Favorite ko kasi yung Toy Story na movie at yung character ni Woody ang pinakagusto ko. Sobrang natuwa ako nung makakita ako ng toy Woody sa mga toy store pero di ko mabili dahil wala akong pera hanggang sa naubos na sila. Nakita ko na lang ulit siya sa isang redemption booth ng Timezone.
“Salamat. Ang laki siguro ng nagastos mo dito. Tuwing kelan ka naglalaro? Hindi naman ito yung ginagamit natin nina Alvin pag naglalaro tayo ah.”
“Weekends ako naglalaro. Sinasama ko mga younger cousins ko para may katulong ako sa pagcollect ng tickets.”
“Oh ok. Salamat talaga Mike. Sorry wala akong gift sa’yo.”
“Ok lang yun. Bry, kaya ako nakipagkita dahil may gusto ako sabihin sayo.”
“Ano yun? Actually ako din may sasabihin,” tugon ko kay Mike.
“Ayokong nakikita kayo magkasama ni Jeff.”
“Bakit? Hindi na pwede yun Mike.”
“Bakit hindi na pwede? Magkaibigan lang naman kayo ah. Di ba dati grabe galit mo sa kanya?”
“Noon yun Mike. Mike kami na ni Jeff at alam yun ng mga magulang namin. Bestfriend kita at gusto ko, magkasundo kayo ni Jeff,” mahina kong tugon kay Mike.
Hindi nagsalita si Mike. Para siyang nanigas sa kinauupuan niya.
“Kelan pa Bry?”
“Kahapon lang.”
Matapos ng pagkikita naming iyon ni Mike ay hindi na siya nagparamdam sa akin sa buong Christmas vacation. Tinetext ko siya at tinatawagan pero hindi talaga niya ako sinasagot. Marahil ay masama ang loob niya sa akin pero hindi ganoon kalinaw sa akin kung ano ang dahilan.
Naging masaya para sa amin ni Jeff ang Christmas vacation. Madalas siyang pumunta sa bahay. Dun lang kami nagpapalipas ng oras, nanonood ng pelikula o di kaya ay tinuturuan akong magluto. Nandoon palagi si mama. Nung una ay hindi niya masyado pinapansin si Jeff pero nung napadalas na si Jeff sa bahay ay unti-unti na niya itong kinakausap. Minsan nga sinabi sa akin ni mama na mukha naman daw okay si Jeff. Siyempre todo bida naman ako sa kanya.
Si papa naman ay bihira lang maabutan si Jeff sa bahay pero nung minsang maabutan niya ito ay naging mabait naman ang pakikitungo niya. Kinain pa nga niya yung niluto naming ulam.
Pasukan na naman. Ito na yung panahong sobrang mapapagod ako dahil tatapusin ko na ang aking thesis.
“Uy Bry, Happy New Year! Nasaan na regalo ko?” Umagang umaga si Alvin agad ang sumalubong sa akin. Wala akong naihandang regalo para sa kanila. Dati rati naman kasi ay hindi kami nagbibigayan ng regalo. Pero nakita ko siya na may hawak hawak na regalo.
“Hay naku, ang kuripot mo naman Bry. O eto, buti pa ako galante at nagbibigay ng regalo.” Iniabot sa akin ni Alvin ang hawak hawak nyang regalo. Nang nang binuksan ko ito ay nakita ko ang keychain na may nakalagay na Singapore. Mukhang nagbakasyon sila ng pamilya niya doon.
“Salamat Alvin. Mukhang masaya bakasyon mo ah,” sabiko sa kanya.
“Aba o-” naputol sa pagsasalita si Alvin dahil bigla niyang nilapitan si Mike na noon ay kapapasok lang sa room namin.
“Happy New Year Mike! I have a gift for you!” Mukhang super excited si Alvin na makita itong si Mike ah. Sabagay ganun naman talaga siya sa aming lahat.
“Salamat Alvin,” mahinang sagot ni Mike. Nagulat ako ng hindi siya umupo sa tabi namin. Pumunta siya sa bandang likod ng classroom. Sinundan siya ni Alvin. Kinuha niya ang gamit niya sa tabi ko at sinabing dun na lang sa tabi ni Mike siya uupo. Inaya din niya ako lumipat. Tinignan ko si Mike. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Halata kong malungkot siya. Nahiya akong lumapit sa kanya kaya nagpaiwan na lang ako.
Wala pa rin yung prof namin kaya ang ginawa ko na lang ay nakinig ako sa MP3 player ko nang nagtext si Jeff.
Jeff: Bryan, nasa school ka na? Mamaya pang 1pm yung class ko kaya andito muna ako sa dance studio, practice kami ng orgmates ko.
Ako: Yup. Nandito na ko sa room pero wala pa prof namin. Ang aga niyo naman magpractice. May dala ka bang extra shirt?
Jeff: May dala ako sa kotse. Kita tayo ng lunch? Nagluto ako.
Ako: Sure. Puntahan na lang kita sa studio?
Jeff: Ok. See you later. I love you.
Ako: I love you.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang department secretary namin at sinabing hindi na dadating ang prof namin. Nagkaayaan na pumunta daw sa Tri Noma dahil 1 pm pa naman next class namin lahat. Nagsabi akong hindi sasama dahil may importanteng pupuntahan.
Nilapitan ako ni Mike. “Ano yang pupuntahan mo Bry?”
“Alam mo na yun Mike,” tugon ko.
Hindi na sumagot si Mike at inaya na lang sina Alvin na umalis na.
Pumunta na ko sa gym kung saan andun ang dance studio. Nahiya akong pumasok dahil nagpapractice sila nang dumating ako at hindi ko naman talaga nakakasalamuha mga kasama nya sa org. Nakita niya ata ako dahil sa salamin na nakapalibot sa kwarto kaya nilapitan niya ako.
“Bakit andito ka na? Wala ka na bang class?”
“Hindi dumating prof namin eh. Punta na lang muna ako sa lib. Mukhang hindi pa kayo tapos magpractice,” tugon ko.
“Ano ka ba, andito ka na eh. Manood ka na lang ng practice namin.” Hinawakan ni Jeff yung kamay ko at hinila papasok ng studio. Medyo nahiya ako sa mga orgmates niya dahil nakita nila kaming naghihilahan.
“Guys, si Bryan nga pala. Manonood lang siya sa atin ah.” Nagulat ako sa ginawa ni Jeff. Mabuti na lang ay hindi niya sinabi na kami dahil hindi pa ko handa na may ibang makaalam sa school.
“Sure captain,” tugon ng isa nyang kasamahan.
“Captain?” tanong ko kay Jeff.
“Ako kasi yung dance captain nila. Parang head ganun. Sorry hindi ko nasabi agad sayo. Hindi lang kasi natin masyado napag-uusapab eh.”
“Wow ikaw pala pinakamagaling sumayaw dito.”
“Naman,” sabay ngiti ni Jeff na parang nagpapacute na naman. Wala na kong nagawa kundi ngitian na lang din siya. Pinaupo nya ko sa isang tabi. Walang upuan sa room na yun dahil nga dance studio yun kay asa sahig na lang ako umupo.
Nagpractice na ulit sila. Ang galing talaga nilang lahat. Pero siyempre si Jeff pa rin ang pinakamagaling. Pinapractice pala nila yung routine nila para sa sasalihan nilang contest sa susunod na buwan. Habang nagsasayaw si Jeff ay tumitingin siya sa akin pag minsan. Nangingiti na lang ako sa kanya. Ang swerte ko sa kanya.
Mga isang oras pa sila nagpractice. 11 am na din pala. Ng matapos sila ay inaya na ako ni Jeff umalis. Pumunta muna kami sa kotse niya. Pumasok kami sa loob. Nagpalit siya ng damit. Hindi ko sinasadyang mapatitig sa kanya.
“O titig na titig ka ah. Gusto mo?” Nang-aasar si Jeff! Mukhang inaakit ako!
“Ano ka ba, nasa school tayo. Tumigil ka nga dyan.” Namula ako sa pangyayari. Kahit na alam kong ok lang naman dahil kami na, pero hindi kasi ako sanay.
“Joke lang. Napipikon ka naman eh. Pero sagutin mo muna tanong ko, gusto mo nga?”
“Ay akala ko pa naman.”
“Jeff naman eh. Hindi naman sa ayaw ko. Hindi lang ako sanay.”
“Alam ko. Niloloko lang kita. I’m sorry if I offended you.” Hinawakan ni Jeff ang kamay ko.
“Ok lang. Hindi lang talaga ako sanay.”
Sinuot na ni Jeff yung dala niyang extra shirt. Tapos ay may kinuha siya sa may likod ng kotse niya.
“Nagluto ako ng lasagna kaninang umaga. Mga 4am kasi ako nagising kaya ayun, napagtripan kong magluto. Ok lang ba kung ito na lang lunch natin?”
“Oo naman. For sure masarap yan. Ikaw nagluto eh,” lambing ko kay Jeff. Nilabas na rin niya yung mga utensils.
Habang kumakain ay nag-usap kami ni Jeff tungol sa kung anu-ano lang hanggang sa mapag-usapan namin si Mike.
“Matagal na to nangyari pero hindi ko tinatanong sa ‘yo dahil alam kong sensitive issue to, pero ano yung nangyari sa inyo ni Mike nung mag-usap kayo nung bakasyon?”
“Sorry hindi ko nasabi sayo. Ayun nasabi ko na sa kanya na tayo. Mukhang hindi siya masaya sa nangyaring yun. After nun, hindi niya na ako masyado kinakausap.”
“Galit pa rin ba siya sa akin?”
“Hindi ko nga alam kung bakit siya ganun. Hindi naman niya sinasabi sa kin yung dahilan.”
“Baka naman may gusto sayo si Mike.”
“Ano ka ba Jeff. Bestfriends lang kami nun. Imposible yan,” sagot ko. Hindi ko talaga naisip yung mga bagay nay un.
“Baka naman sa akin siya may gusto,” patawang sabi ni Jeff.
“Feeler ka ah. Hahaha. Kumain na nga lang tayo.”
Naubos agad namin yung dala niyang lasagna. Matakaw kasi talaga kami. Matapos namin kumain ay inihatid na niya ko sa building namin. Malapit na kasi mag 1pm nun at pareho na kaming may class.
“Hintayin na lang kita dito later,” sabi sa akin ni Jeff.
“O sige. Baka mag-aya lumabas sina Alvin, sama tayo ah.”
“Are you sure it’s fine? Baka makahalata sila and diba kasama niyo si Mike?”
“Ok lang yan Jeff. Pag nakahalata e di aminin natin. Mga kaibigan ko naman yung mga yun. I’m sure they’ll understand.”
“Pero diba ayaw mong may ibang makaalam?”
“Ayokong may ibang tao na hindi naman close sa atin na makaalam. Pero I think it’s about time na malaman ng friends natin yung tungkol sa atin para naman we can move and act freely. Ayoko din kasi na pinipigilan mo sarili mo kapag gigil na gigil ka na sakin,” patawa kong sabi.
“So feeling mo madalas ako manggigil sayo? Actually yes. And thank you for thinking about me. I really appreciate it.”
“O sige papasok na ko para makaalis ka na. Baka malate ka pa eh.”
Bago ako lumabas ng kotse ay hinalikan niya ako sa labi. Para nanaman akong batang unang nakaranas na mahalikan ng ginawa niya iyon. Ang sarap sa pakiramdam.
Magmula ng araw na iyon, lagi ng masasaya ang araw namin ni Jeff. Paminsan-minsan ay nag-aaway din kami tungkol sa iba’t ibang bagay, pero hindi pa kami nag-aaway ng talagang seryoso. Medyo naging malungkot lang ng malapit na ang aking graduation dahil akala niya ay bihira na kami magkikita. Ngunit nawala naman agad ang pag-aalala niyang iyon ng malaman niyang pinayagan ako nina mama at papa na kukuha ng apartment na malapit sa papasukan kong advertising agency na nasa parehong lungsod lang din ng eskuwelahan namin.
Ngunit may isang bagay pa palang makakapagpalungkot sa amin.




“Bryan, hindi ako makakapunta sa graduation mo. May emergency sa bahay,” sabi sa akin ni Jeff ng tawagan niya ako isang oras bago mag-umpisa ang graduation namin.
“Bakit? Ano nangyari?”
“Si dad inatake sa puso. Nandito ako ngayon sa hospital,” malungkot na tugon niya.
“My God Jeff, I’m sorry to hear that. Ok ka lang ba? Gusto mo pumunta ako diyan?” Nag-aalala ako sa kanya. Wala siyang kasama dun.
“Ano ka ba? Graduation mo yan, hindi ka pwedeng mawala diyan. Magagalit magulang mo. And I’m fine here, hinihintay ko lang naman mastabilize yung condition ni dad. Enjoy your graduation Bryan, ok?”
“Yes. I love you so much Jeff. Your dad will be fine.”
“Thank you Bryan. I love you too, and congratulations. I am so proud of you.”
“Thanks. Update me, ok?”
Hindi na ko nakarinig kay Jeff hanggang hapon. Pagtapos ng graduation namin ay nagpaalam ako sa mga magulang ko napupuntahan si Jeff. Mabuti na lang at pumayag sila.
Hindi ko macontact cellphone ni Jeff. Kaya tumawag ako sa bahay nila at tinanong kay manang kung saan naka-confine dad ni Jeff.
Pagdating ko sa ospital ay nakita ko si Jeff na nasa labas ng ICU. Dagli ko siyang nilapitan at niyakap.
“Why are you here? Diba may family dinner kayo?” Halata ko ang lungkot at pagod sa mukha ni Jeff.
“Nagpaalam ako. Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Kumain ka na ba?”
“Kaninang umaga,” mahina niyang sagot.
“Gusto mo bang pati ikaw maospital? Teka, bibilhan kita ng dinner kahit sa canteen lang.”
Pagbalik ko ay wala na si Jeff sa tapat ng ICU. Sinilip ko din yung room at wala ng tao roon. Tinanong ko sa desk kung nasaan na ang pasyente, ang sabi ay ibinalik daw sa operating room.
Tumakbo ako papunta sa operating room at nakita ko si Jeff na nakaupong umiiyak.
“Inatake na naman si dad. He’s undergoing an open-heart surgery. Bryan I don’t know if he can make it,” humihikbing yumakap sa akin si Jeff.
“Just pray Jeff. All we can do now is pray.”
Mga isang oras na ang nakakalipas ng makita naming may ipinapasok na machine sa operating room. Pamilyar sa amin ang machine nay un dahil sa mga movies na napanood namin. Yun yung ginagamit para irevive ang isang pasyente. Patakbong pumasok si Jeff sa operating room pero pinigilan siya ng mga nurses.
Ilang minute pa ay lumabas na ang doctor at kinausap si Jeff.
“I’m sorry Mr. Santos but your dad did not make it. We tried to revive him several times. We’re very sorry.”
Hindi na nakasagot si Jeff. Napaupo na lang siya at natulala. Ako naman ay tumabi sa kanya at niyakap siya.
1 year later…
Ayun na nga ang nanyari kung paano kami nagkakilala. Isang taon na ang nakakalipas mula ng aking graduation at pagpanaw ng dad ni Jeff. Isang kamag-anak nina Jeff ang nagtake-over sa business nila. Walang naiwan kay Jeff kundi ang bahay nila at ang trust fund na inipon ng kanyang mga magulang para kanya. Hindi napaghanddan ng dad ni Jeff ang paggawa ng last will and testament kaya naabuso si Jeff ng mga kamag-anak niya. Hindi na inpinaglaban pa ni Jeff ang business nila. Sabi niya, hindi rin naman niya kaya patakbuhin ang negosyo nila at baka ipalugi niya pa ito kaya mas mabuti na lang din na sa iba na mapunta ito.
Ang ginamit na pangtustos sa pag-aaral ni Jeff ay ang trust fund niya. Mabuti na lang at nasa tamang edad na siya para makuha iyon. Ngunit bukod pa dito ay kumuha siya ng part-time job para hindi agad na maubos ang pera niya. Pumasok siya bilang barista sa isang coffee shop sa Tri Noma.
Ako naman ay isang copywriter sa malaking advertising agency. Noon pa man ay ito na ang pangarap ko, ang makapagtrabaho sa isang kilalang ad agency. Medyo mahirap ang ganitong trabaho madalas ay ginagabi nak ami sa opisina para matapos lang ang presentations sa mga kliyente. Madalas din ay hindi na kami nakakapag-day-off dahil sa dami ng ginagawa. Dahil dito ay madalang na kaming magkita ni Jeff. Kung kaya ko pa ay pinupuntahan ko siya sa school niya sa tuwing maaga ako natatapos sa aking trabho o di kaya nama’y pinupuntahan ko siya sa bahay nila. Paminsan din naman ay siya ang bumibisita sa opisina kapag wala siyang pasok pero hindi ko siya gaano maasikaso dahil nga sa dami ng ginagawa. Madalas ay Linggo lang kami nagkikita dahil wala akong pasok sa araw na iyon at siya rin ay walang pasok sa eskwela at trabaho.


July 25 na ngayon. Monthsary namin ni Jeff. Dapat ay may pasok ako ngayon pero nagpalit ako ng day-off ko ngayong lingo para lang makasama ko siya. Napag-usapan naming magkikita na lamang sa bahay nila. Siya daw ang magluluto kaya ang ginawa ko na lang ay nagdala ako ng mga DVD para naman may mapanood kami.
Ako: Hey, mga what time mo ako gusto pumunta sa bahay niyo?
Jeff: May meeting kami ng groupmates ko Bryan. Text kita later kung mga what time  ako makakauwi ng bahay.
Ako: Ok sige, andito lang naman ako sa bahay eh.
Jeff: Wala ka bang pasok ngayon?
Ako: Wala. Nagpalipat ako ng day-off ko.
Jeff: Oh ok. Sige. I’ll just text you later. Magmimeet na kasi kami eh.
Ako: Ok sige. I love you. Happy monthsary!
Jeff: I love you, too. Happy monthsary! See you later.
Makalipas ang isang oras ay nagpasya akong umalis na ng bahay at tumambay muna sa mall malapit sa kanila para kapag nagtext siya na pauwi na siya ay makakapunta na agad ako sa kanila.
Pagdating ko sa mall ay naglibut-libot muna ako. May nakita akong magandang shirt na alam kong bagay kay Jeff. Hindi namin nakasanayan na magbigay ng regalo sa isa’s isa tuwing monthsary. Nagreregalo lang kami pag anniversary namin. Pero binili ko pa din yung shirt dahil alam kong bagay talaga sa kanya yun.
Nag-ikot pa ko sa mall ng medyo mapagod ako at umupo muna sa isa sa mga benches doon. Nilabas ko din yung MP3 player ko at nakinig na lang muna ng music habang nagpapahinga.
“Hey Bryan.” Nagulat ako ng may taong nakayo sa harapan ko at tinapik ang balikat ko. Nakayukko kasi ako habang nakaupo. Hindi ko siya narinig kaya tiningnan ko kung sino siya.
“Musta ka na Bryan? I haven’t heard from you since we graduated,” sabi niya.
“Mike? Ikaw ba yan?”
Umupo siya sa tabi ko at hinugot ang ear phones sa tenga ko.
“Yup ako nga. Isang taon mo lang tayo hindi nagkita, eh hindi mo na agad ako kilala,” sabi ni Mike ng nakangiti.
“Syempre naaalala kita. Hindi lang ako sanay na ganyan suot mo. Masyadong pormal.” Tuwang tuwa ako na makita ko ulit ang bestfriend ko. Mula kasi ng malaman niya na kami ni Jeff ay unti-unti na niya kong nilayuan hanggang sa tuluyan na nga kaming hindi nag-usap. Kahit noon na kasama namin mga kaibigan namin ay hindi na niya talaga ako pinapansin. Matapos naming grumaduate ay sinubukan ko siyan kontakin ulit pero ayaw talaga niya sumagot hanngang isang araw ay hindi na gumagana ang numero niya at nawalan na kami ng komunikasyon.
“Ah. Nagtatrabaho kasi ako as a corporate communications officer kaya kelangan ganto lagi suot. Ikaw ano na trabaho mo?” Iba ang aura ni Mike. Mukha siyang masayang masaya. Masaya din naman ako na nagkita kami ulit.
“Ito sa advertising. Masaya pero nakakapagod. Teka nag-iba ka ban g number? Hindi ko na macontact yung dati mong number eh.”
“Ah oo. Nawala kasi yung dati kong phone. Naiwan ko ata nung nagbakasyon kami ng family ko sa Australia.” Kinuha ni Mike ang wallet niya at bingyan ako ng calling card niya. “Yan na bago kong number and dyan na rin ako nagwowork. Malapit lang yan dito. Teka ano ginagawa mo dito?”
“Magkikita kami ni Jeff mamaya. Eh kaso may ginagawa pa siya sa school kaya dito muna ako pumunta,” tugon ko.
“So kayo pa rin pala. Nice at least nagtagal kayo,” medyo humina ang boses ni Mike. Nakangiti pa rin siya pero alam kong hindi na siya ganun kasaya di tulad kanina.
“Yup. Ikaw, may girlfriend ka na ba?”
“Ako? Wala. Di na yata ako magkakaron. Alam mo naniniwala pa rin akong may isang tao lang na nakatakda para sa isa pang tao. Yung sa akin ata tuluyan ng naiba ng landas. Di na kami magkikita nun,” patawang sabi ni Mike. Kahit nakatawa siya ay medyo ramdam ko ang kalungkutan sa sinabi niyang iyon.
“Sus. Ang nega mo naman. Bata ka pa, magkikita rin kayo nun.”
“Sana nga.” Tumayo na si Mike at nagpaalam. “O siya una na ko. May pasok pa ko eh. Break ko lang kaya ako nandito. So pano, text mo na lang ako. It was really nice to see you again Bry.”
“Sige. Ngayon ko lang narealize namiss din pala kita. Ikaw kasi eh, bigla ka na lang hindi nagparamdam.”
“Yeah I missed you, too. Sige, I have to go.”
Mga 3 pm ng tinawagan ako ni Jeff.
“Hey Bryan. Hindi pa tapos meeting namin and nagdecide groupmates ko na umpisahan na rin agad yung projet namin so hindi pa ko makakaalis dito. I’m so sorry. Asan ka na ba? I’ll try na makaalis agad dito then puntahan na lang kita sa inyo.”
“Ah ganun ba. O sige ok lang, tapusin nyo na muna yan. Wag mo na ko puntahan ano ka ba. Baka gabi ka na makaalis dyan eh. May pasok ka pa bukas kaya wag ka na masyado magpuyat. Pagtapos mo diyan, umuwi ka na agad at magpahinga.”
“Are you sure it’s fine with you?”
“Oo naman. I understand.”
“Ok sige. I’ll make it up to you ok?”
“Ok. Bye. I love you.
“Bye. Love you.”
Binaba na nya ang phone.
Syempre nalungkot ako na hindi kami magkikita ni Jeff pero kelangan kong intindihin yung sitwasyon. Noon pa man alam na naming mahihirapan kami dahil sa trabaho namin at sa pag-aaral niya.
Ayoko pang umuwi dahil kahit papano ay umaasa pa rin akong magtetext si Jeff at sabihing pauwi na siya at pinapupunta ako sa bahay nila. Naglakad lakad ako sa mall at ng wala ng magawa ay nagpunta sa Timezone.
Ang tagal ko ng hindi nakakapaglaro. Hindi kasi mahilig si Jeff maglaro ng arcade games. Bumili ako ng Powercard at niloadan ito ng 500.
Sa loob ng ilang buwan ay muli kong sinubukan maglaro ng Dance Revolution. Natatawa na lang ako sa sarili kong makailang beses ko ding hindi natapos nag laro.
“You really suck at that now?”
Nainis ako sa nagsalitang yun kaya tiningnan ko siya ng masama. Nagulat ako ng makita ko si Mike.
“Bakit ka nandito? Di ba may pasok ka?”
“You see the good thing about my job is I get to tell them that I have to meet someone outside as part of my job.”
“So you’re a slack employee?” pagbibiro ko sa kanya.
“Of course not. You know how I work,” mayabang nyang sagot. “Now let me show you how to play this game.”
Umalis ako sa platform at hinayaan si Mike na maglaro. Nakalimutan ko na kung gaano siya kagaling sumayaw. Hataw na hataw siya at kung paminsan ay tumitingan sa akin at ngumingiti. Ang gwapo pa rin talaga nitong mokong na ‘to. Kaya nga nagtataka ako kung bakit wala pa rin siyang nagugustuhan. Natapos niya yung tatlong kanta.
“Ano Bry, naalala mo na kung pano to laruin?” Nang-aasar na naman tong si Mike. “Halika sabay tayo.” Hinila niya ko sa platform.
Nakailang laro din kami ni Mike. Naubos nga niya yung laman ng Powercard ko.
“Grabe ang bantot na natin,” sabi ko.
“Wala pa naman akong dalang extra shirt,” tugon ni Mike. “Samahan mo ko. Bibili lang ako ng shirt pamalit.”
Naghanap kami ng shirt na bibilhin niya. Pumasok kami sa store kung saan ko binili yung shirt para kay Jeff.
“Ito Bry maganda ba?”
Hawak-hawak ni Mike yung shirt na binili ko kay Jeff.
“Wag yan,” sabi ko.
“Bakit? Mukha namang bagay sa akin ah.”
“Hindi yan bagay sa ‘yo for sure. Marami pa namang maganda dyan.” Kumuha ako ng isang shirt at inabot yun sa kanya. Sinukat niya yung shirt na inabot ko.
“Naks Bry, galing mo ah. Bagay nga to sakin. Sige ito na bibilhin ko.”
Hindi na hinubad ni Mike yung shirt at binayaran na lang ito sa counter.
“Nga pala Bry, akala ko ba magkikita kayo ni Jeff?”
“Ah oo, medyo marami silang ginagawa sa school kaya hindi na kami magkikita ngayon,” tugon ko.
“Bakit? Eh monthsary niyo di ba?”
“Paano mo nalaman?” nagulat akong alam ni Mike kung kelang monthsary namin.
“Syempre naman alam ko. Diba nagkita tayo nung December 26 then you told me na kayo na ni Jeff the day before. Tsaka ang dali tandaan ng date nyo kasi nga Christmas,” sagot niya.
“Ay oo nga pala. Yun din yung dahilan kaya bigla kang umiwas,” sagot ko.
“Alin? Yung naging kayo? Eh syempre ayoko naman pagselosin yung tao ‘no.”
“Di mo naman kelangan gawin yun Mike eh. Alam naman ni Jeff na bestfriend kita,” medyo naiinis kong sagot ko sa kanya.
“Sus tama na nga. Matagal na yun eh. So pano yan? San na lakad mo?”
“Uuwi na lang siguro ako. Gabi na rin eh. May pasok pa ko bukas,” sagot ko.
“Oh. Hatid na kita gusto mo?”
“Bakit may kotse ka na?”
“Oo naman. Ako pa,” mayabang na sagot ni Mike.
“Naks. Big time na ah. Thanks pero wag na lang, nakakahiya.”
“Ok sige. Ikaw bahala. So pano, see you when I see you,” sabi ni Mike habang nakaakbay sa akin.
“Sige. Bye Mike.” Naghiwalay na kami ni Mike. Magkasalungat kasi yung pupuntahan namin. Biglang akong tinawag ni Mike.
“Ikaw!” sigaw ni Mike.
“Ano?” tugon ko.
“Wala. Sabi ko ingat ka,” nakangiting sabi ni Mike.
“Ingat ka rin.”
Makalipas ang ilang buwan ay mas madalang na kaming magkita ni Jeff. Lalo na nung patapos na nung sem niya. Graduating na siya sa susunod na sem kaya pukpukan na sa requirements. Inuumpisahan na din niya yung thesis niya kaya sobrang busy na niya. Kelangan pa niyang pumasok sa trabaho para magkapera. Ilang beses ko na siyang sinasabihan na ako na lang muna magbibigay ng allowance sa kanya total naman ilang buwan na lang naman siya papasok eh. Pero ayaw talaga niya eh.
Nang tapos naman na yung finals niya at bakasyon na nila ay ako naman ang naging abala sa trabaho. Nadagdagan kami ng tatlong kliyente kaya sobrang dami naming ginagawa. Nagkikita lang kami kapag break ko sa tanghali at sabay kaming naglulunch malapit sa opisina namin. At kung maaga matapos yung trabaho ko ay sumasaglit ako sa bahay nila. Minsan nga para lang makasama ko siya ng matagal ay doon na ko sa kanila natutulog.
“Miss na miss na kita Jeff,” sabi kosa kanya habang nakahiga ng minsang dun ako sa kanila natulog.
“Ikaw kasi eh, ang dami mo laging ginagawa sa trabaho,” sagot niya.
“Alam mo namang mahirap yung trabaho ko diba?”
“Alam ko naman.”
“Ang hirap ng nangyayari satin Jeff.”
“Sinabi mo naman na sa akin dati na ganto mangyayari diba? Kayanin na lang natin to Bry,” sabi niya.
“Bry? Ngayon mo lang ata ako hindi tinawag sa buo kong pangalan ah.”
“Talaga? Ok lang yan. Alam mo namang ikaw pa rin naman kausap ko diba?” patawang sabi ni Jeff habang nakayakap sa akin. Marahan niyang hinalikan batok ko at dahan-dahan niyangh inalikan leeg ko hanggang sa pumunta ang labi niya sa mga labi ko. Ang sarap pa rin ng mga halik niya. Nakayakap ako sa kanya ng maramdaman kong binubuksan niya ang pantaloon ko.
Napatayo ako. “Jeff. Alam mo namang hindi pa ko handa di ba?”
“Hanggang ngayon ba?” tanong niya.
Humiga ako ulit sa tabi niya at niyakap siya. “I’m so sorry. Hindi pa lang talaga ako handa.”
“Sige. Tulog na lang tayo. May pasok ka pa bukas.”
“Good night Jeff. I love you so much.”
“Good night. I love you. Sige, pahinga ka na.”
Isa yan sa mga isyung madalas naming pag-awayan. Hindi ko alam pero hindi pa talaga ako handa. Siguro dahil hindi ko pa nagagawa yun kahit kelan kaya takot ako. Gustung gusto ko gawin yun kay Jeff pero lagi akong nauunahan ng takot ko.
Ganyan nag naging set-up namin ni Jeff. Sa kanila kao natutulog kung gusto ko siyang makasama ng matagal.
Isang araw ay nawalan ako ng phone. Marahil ay nalaglag ito sa taxi ng pumasok ako sa opisina. Hindi ko macontact si Jeff kaya minabuti ko na lang na dumiretso sa kanila.


Pagpasok ko ay sinalubong ako ni manang.
“Manang si Jeff ba nasa taas? Nawala kasi phone ko kaya hindi ko siya matawagan.”
“Ah sir wala po siya rito sa bahay,” mahinang tugon ni Manang.
“Ay ganun ba? Sige hintayin ko na lang po siya sa kwarto niya.”
“Ay sir wag na po sa kwarto niya. Dito na lang po sa sala. Hindi ko pa po kasi naayos kwarto ni sir Jeff eh,” nanginginig na sabi ni Manang.
“Ako na lang po mag-aayos manang.” Umakyat na ko papunta sa kwarto ni Jeff.
Naglakad ako papunta sa kwarto niya. Bubuksan ko na ang pinto ng may marinig akong ingay na galing sa loob ng kwarto ni Jeff.
“Ahh. Shit. Ang galing mo. Sige pa.”
Hindi ako nakagalaw sa narinig ko. Boses iyon ni Jeff. Halos hindi ko magalaw katawan ko. Nanginginig ako. Parang gusto kong umalis pero kelangan kong malaman kung ano ginagawa ni Jeff sa loob.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lalo akong hindi nakagalaw sa nakita ko. Si jeff nakahiga sa kama niya. May kasiping siyang lalaki. Tumama ang pinto sa dingding at doon na lumingon sa direksyon ko si Jeff.
Tarantang taranta si Jeff at ang kasama niya. Dali dali silang tumayo at nagsuot ng damit. Patakbo namang umalis ang lalaking kasama niya. Samantalang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko nalang na may tumutulo ng luha sa aking mata. Ng medyo nagkaron na kao ng lakas ay tumalikod ako at naglakad papaalis ng kwarto niya.
Bigla akong niyakap ni Jeff mula sa likod.
“I’m so sorry. I made a mistake.” Ang higpit ng pagkakayakap sa akin ni Jeff.
“Kelan pa, Jeff?” nanginginig at mahina kong tanong sa kanya.
Iniharap ako ni Jeff sa kanya at muling niyakap.
“I’m so sorry Bry,” umiiyak na tugon niya.
Bry na naman ang tawag niya sa akin. Hindi na ko sumagot pa. Tumalikod na lang ako sa kanya at tumakbo papaalis sa kanila. Hindi ko na mapigilan na umiyak ng malakas.
Hindi ko maintindihan kung paanong nagawa sa akin ni Jeff iyon. Hindi ko alam na sobrang laking issue na pala sa kanya na hindi pa ko handang makipagsex sa kanya. Hindi ko alam na dahil dun ay nagawa niya kong lokohin. Ang laki-laki ng tiwala ko sa kanya.
Sumakay ako ng taxi. Wala pa rin akong tigil sa kakaiyak. Mabuti na lang at ng nakauwi ako ay tulog na sina mama at papa.
Dumiretso ako sa kwarto at dun na ibinuhos lahat ng iyak ko.
Tanghali na ko nagising. Hindi ko na nagawang pumasok sa trabaho. Tinanong ako ni mama kung bakit hindi ako pumasok. Sinabi ko na lang na hindi maganda pakiramdam ko. Tatawagan ko sana ang boss ko pero naalala kong nawala nga pala phone ko kaya nagpaalam ako kay mama na aalis lang ako para bumili ng bagong telepono. Magang maga mata ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi.
Pagkabili ko ng telepono at baging sim card ay umuwi na rin ako agad. Kung hindi ko lang talaga kelangan tumawag ay hindi na ko babangon sa higaan.
Pagbaba ko ng tricycle ay nakakita ako ng isang pamilyar na sasakyan sa tapat ng bahay.
Pagpasok ko ay nakita ko si Jeff. Nakaupo sa sala.
“Ano ginagawa mo dito?” Dali dali akong umakyat sa kwarto. Ilolock ko sana ang pinto pero nakasunod siya agad at napigilan niya ko.
“Mag-usap naman tayo please. Kagabi pa kita sinusubukan tawagan pero nakapatay ata phone mo.”
“O sige mag-usap tayo. Ano pa ba kelangan mo sabihin na hindi ko nakita kagabi?” Umiiyak na naman ako.
“Nagkamali ako. Bryan tao lang ako, natukso ako. Buong araw kita hindi macontact kaya…”
“Ah. Dahil hindi mo ko macontact eh nagpasya ka na lang na makipagsex sa iba.”
“Hindi kasi ganun yun.”
“Sige nga Jeff, ipaliwanag mo kung bakit ka nakipagsex sa iba. Dali, para maintindihan ko naman kung bakit nagawa mo kong lokohin at kung paano mo nasira tiwala ko sayo.”
“I’m sorry,” mahina at nakayukong sagot ni Jeff.
“Putang ina naman Jeff. Sinira mo relasyon natin ng dahil sa isang kantot lang? Ganun lang ba kababaw sayo tong putang inang relsyong ‘to?” Hindi ko na napigilan sarili ko. Umiiyak kao pero galit din ako.
“Look. Walang tamang dahilan sa nagawa ko. Mali ako, ang I’m sorry. Pero mahal kita Bryan. Mahal na mahal kita.”
“Kung ganyan ka magmahal eh wag na lang. Ni hindi mo lang ba naisip na baka pumunta ako sa bahay ninyo? Sino ba yung putang lalaking yun? Sang kalsada mo napulot yun?”
Sinara ni Jeff yung pinto ng kwarto para hindi marinig ni mama ang pag-aaway namin. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
“Putang ina sagutin mo ko Jeff. Sino yun?”
“Classmate ko,” mahina niyang sagot na halos kainin na niya sinasabi niya.
“Classmate mo? Yan ba yang project na inaatupag niyo palagi?” Napaupo ako sa kama ko at wala paring tigil sa pag-iyak.
Lumuhod sa harapan ko si Jeff. Umiiyak na rin pala siya. “I’m so sorry Bryan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita.”
“Tang ina mo, kung mahal mo ko bakit mo ginawa yun?” Halos hindi na ko makapagsalita sa kakaiyak. “Alam mo namang kung kaya ko matagal ko ng ginawa yang putang inang gusto mo diba? Ni hindi ka man lang nakapaghintay. Gago ka.” Hagulgol na lang ako ng hagulgol. Umupo sa tabi ko si Jeff at niyakap ako.
“I’m so sorry.”
“Tang ina ka mahal na mahal kita eh tapos gaganituhin mo lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Mahal na mahal din kita. Tama na Bryan, please. I’m so sorry.”
Mga ilang minuto din niya kong niyakap. Marahil sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako. Pagkagising ko ay nakita ko si Jeff na nakaupo sa tabi ko.
“Galit ka pa rin ba sakin?” tanong niya.
“Sino bang hindi magagalit sa ginawa mo?”
“Hindi na ko na uulitin yun Bry, promise.” Humiga si Jeff sa tabi ko at niyakap ako.
“Pinapatawad mo na ko?”
“Oo. Pero please wag mo na gagawin ulit yun.”
“Hindi na.”
Tumayo na kami at hinatid ko na siya sa labas ng bahay.
“Bye Bry.”
“Bye.”
“Balik na tayo sa dati ah.”
“Oo.” Hindi na. Nag-iba na. Mahal kita pero dahil sa ginawa mo, nag-iba na. “Sige na. Ingat ka.”




“Musta? Buti naman naisipan mo kong tawagan. Dapat pala kinuhak o na lang number mo eh. Kala ko wala ka ng balak magpakita sa akin,” sabi ni Mike ng dumating siya sa isang restaurant sa mall malapit sa opisina nila.
“Wala ring use kahit kinuha mo number ko. Nawalan ako ng phone, eh. Buti nga card tong binigay mo sa akin.”
“Buti phone mo lang nawala. Teka, bakit ka nga pala napatawag?”
“Gusto ko lang makita best friend ko.”
Kinuwento ko sa kanya ang ginawa ni Jeff. Nagtataka siya kung bakit kami pa rin hanggang ngayon.
“Hindi ko na rin kasi maimagine sarili ko na hindi siya kasama eh.”
“Pero niloko ka niya.”
“Tanga na lang din naman kasi ang mag-iisip na posible pa rin na magkaron ng perfect relationship,” sabi ko kay Mike.
“Wala naman talaga perfect pero posible pa rin magkaro nng faithful relationship,” tugon niya.
“Pano pag wala ng iba Mike? Pano pag siya lang talaga para sa akin?”
“Ewan ko sayo Bry.”
“Ikaw naman din nagsabi sa akin na maybe there’s just one person fated to love you.”
“Kaya nga ‘maybe’ Bry eh. Ibig sabihin hindi sure.”
“Mahal naman niya ko Mike.”
“You know sometimes love can’t do all the magic.”
Matapos ng pag-uusap na yun ay pinilit ako ni Mike sumama sa kanya sa toy store.
“Naalala mo noong hindi mo nabili si Woody kasi wala kang pera?” tanong ni Mike.
“Oo. Tapos binigyan mo ko ng Powercard nung Pasko na may power tickets para maredeem ko yung Woody toy sa Timezone. Tapos nun unti-unti ka ng umiwas,” sagot ko.
“Nakuha mo naman ba si Woody?”
“Oo naman. Nakadisplay nga yun palagi sa bedside table ko.”
“Buti naman.”
“Teka bakit mo ba ko hinila dito? May bibilhin ka ba?”
“Wala naman. Alam ko namang may soft spot sayo ang toys. Diba nga sabi natin noon pag yumaman tayo eh magtatayo tayo ng sarili nating toy shop pero yung mga laruan eh hindi ibebenta. Ipapalaro natin yun sa mga bata for free.”
“Naalala mo pa pala yun. I forgot I had that dream,” mahina kong tugon.
“You forgot what you used to love, Bry.”
“Maybe I just had to grow up,” tugon ko.
“Growing up does not mean you have to leave your dreams and your happiness behind.”
“I am happy Mike,” nakangiti kong tugon sa kanya.
“Whatever you want to believe Bry. Whatever you want to believe.”
Hinila ako ni Mike papasok ng toy story. Pinaglaruan namin yung mga toy cars and action figures dun. Pinindot namin lahat ng toys na may “Try me!” na nakalagay. Nung college ay ganun ang gawain namain. Itatry namin lahat ng toys sa toy store tapos ay aalis.
“I had fun Mike. Thanks,” sabi ko sa kanya.
“Next week na pala birthday mo Bry ah. Ano ba gusto mo regalo?”
“Oo nga no. I almost forgot. Kahit ano lang. Kahit nga wala na,” sagot ko.
“Sus hindi pwedeng wala no. Dapat may regalo ako sa best friend ko.”
“Ikaw na bahala Mike. Kahit ano lang.”
Medyo nageeffort si Jeff nitong mga nagdaang araw. Madalas ay hinahatid niya ko sa bahay kahit gabi na. Minsan nga kapag wala siyang pasok kinabukasan ay dun ko na lang siya pinapatulog dahil delikado na pumasok. Minsan din ay nilulutuan at dinadalhan niya ko ng tanghalian sa opisina.
“Wow ang gwapo naman pala ng boyfriend mo Bry,” sabi ng isa kong officemate ng makita niya si Jeff. “Ang swerte mo dyan Bry.”
“Mas swerte ako kay Bry,” tugon ni Jeff sa officemate ko. “Kung hindi lang mahaba pasensya at pang-unawa nyan ni Bry eh matagal na kong iniwan nan.”
“Buti alam mo,” sabi ko.
Ilang araw bago ang birthday ko ay sinabi ni mama na maghahanda daw sila. Kaya naman sinabi ko kay Jeff kung pwede siya magluto pandagdag sa mga handa at yun na lang din regalo niya. Pumayag naman siya at sinabing aagahan daw niya ang pagpunta at tutulong din daw sa pagluluto kay Mama. Alam na din pala ni Jeff na nagkita kami ni Mike at ok lang din sa kanya na pumunta si Mike sa birthday ko.
“Mas ok nga yun at least nag-uusap na ulit kayo ng best friend mo,” sabi niya.
Tinext ko si Mike tungkol sa handaan at sinabi niyang pupunta daw siya. Siya na rind aw ang bahala sa cake.



Ng mismong araw ng birthday ko ay Nagising ako ng maaga sa pag-aakalang maaga darting si Jeff. Tinext ko siya kung nasaan na siya pero hindi siya sumagot. Inisip ko nab aka nahimbing ang tulog at hindi pa gumigising.
Samantala, tumawag namaan si Mike sa telepono.
“Happy birthday Bry!”
“Salamat. Punta ka mamaya ah.”
“Oo naman. Gusto mo ngayon na eh.”
“Haha. Pasaway ka.”
“Text mo nga pala sa akin yung directions. Baka maligaw pa ko.”
“O sige.”
“Sige bye. Happy birthday ulit.”
“Thanks.”
Dumating si Mike ng mga bandang 10 am. Siya ang unang bisitang dumating. Nagluluto pa lang si mama. Tinatawagan at tinetext ko si Jeff pero hindi pa rin sumasagot.
Tumulong na muna si Mike sa pagluluto habang inaasikaso ko naman ang mga dumadating kong kamag-anak at ilang kaibigan nina mama.
“Asan si Jeff?” tanong ni Mike.
“Hindi ko nga alam, eh. Dapat kanina pa siya andito. Hindi naman niya sinasagot tawag ko.”
Hapon na pero wala pa rin si Jeff. Tinwagan ko ulit siya ng sinagot ni Manang ang tawag ko.
“Hello si Bryan.”
“Manang andyan po ba si Jeff?”
“Ay naku sir umalis po kanina pang umaga. Naiwan nga po niya yung telepono niya dito eh.”
“Nasabi ho ba kung san siya pupunta?”
“May school project daw po. Bakit po sir, may lakad po ba kayo?”
“Ay wala manang. Sige salamat.”
“Nasan na daw?” tanong ulit ni Mike.
“May school project daw.”
“Baka naman…” hindi na natapos ni Mike ang sasabihin niya.
“Wag naman sana” tugon ko.
Sinusubukan kong kalimutan ang nangyari dati pero hindi ganun kadali. Sa twuing gagabihin siya o hindi makakarating sa usapan namin ay nagdududa na agad ako. Hindi na talaga bumalik ang buo kong tiwala sa kanya. Nag-iba na talaga.
Gabi na at umuwi na ang mga bisita maliban kay Mike. Tinulungan niya kami ni mama sa pagliligpit ng mga kalat. Matapos namin mag-ayos ay umakyat kami ni Mike at nagpunta sa balkonahe.
“Hindi ko pa pala nabibigay sayo yung regalo ko,” sabi ni Mike sabay abot sa akin ng isang maliit na kahon.
Binuksan ko ang kahon at may laman itong susi. “Para saan tong susi na to Mike?”
“Sa pangarap natin.”
“Ano? Hindi kita maintindihan.”
“May unit yung tita ko sa isang commercial complex sa Makati. Umalis na yung dati niyang tenant kayo ako yung umupa.”
“Ano naman gagawin mo dun? Tsaka bakit sakin mo binigay yung susi?”
“Diba nga gusto natin magkaron ng toy shop. Ayan, may lugar na tayo. Kelangan na lang natin punuin yun ng laruan. May mga konti na kong nabili para ilagay dun pero syempre kulang pa yun,” nakangiting sabi ni Mike.
“Wow. Talagang may toy shop na tayo? Hindi ba mahal ang renta dun? Tsaka san mo kinuha yung pambili mo ng mga laruan?” tanong ko.
“Syempre tumawad ako sa Tita ko. Nag-ipon ako. Simula pa lang nung napag-usapan natin yun eh nag-umpisa na kong mag ipon,” sagot ni Mike.
“Grabe. Talaga palang sineseryoso mo mga pinag-uusapan natin.”
“Oo naman. Kasi ikaw,” tugon niya.
“Anong ako?”
“Kasi ikaw yan.”
“Anong ako nga?”
“Kasi ikaw si Bry. Yung best friend ko.”
“Naks naman. Thank…” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalit ulit si Mike.
“Yung taong mahal ko.”
“Eh mahal din nam…
Hinawakan ni Mike ang balikat ko at iniharap ako sa kanya.
“Mahal kita Bry. Noon pa. College pa lang. Hindi ko lang masabi sayo dahil hindi pa ko handa aminin sa sarili ko na ganito ako. Na nagkakagusto ako sa lalaki.”
Hindi ako makapgsalita. Gulat na gulat ako sa sinabi ni Mike.
“Noon pa man. Matagal na kita mahal. Pero nakilala mo si Jeff. Mas una pa kitang minahal kesa kay Jeff. Nung naging magkaibigan kayo, nag-umpisa akong magselos. Natakot ako nab aka magkagusto ka sa kanya. Wala naman akong panama sa kanya eh. Gwapo siya, magaling sumayaw, matalino, mayaman. Kaya pilit kitang inilalayo sa kanya dati. Pero wala rin eh. Naging kayo rin. Kaya lumayo ako para hindi na ko masaktan at para hindi na ko makagulo sa inyo. Nung nakagraduate na ko, natuwa ako dahil sabi ko makakalimutan din kita. Pero mali pala ako. Tuwing tumatawag ka at nagtetext, gusting-gusto ko sumagot pero sabi ko sa sarili ko, kung gusto ko makalimutan ko, kelangna ko magtiis. Malapit na eh. Malapit ko ng makalimutang mahal kita. Pero nakita ulit kita at parang walang nangyari. Hindi ko rin napigilan sarili ko. Bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa yo. Kaya galit na galit ako ka y Jeff ng nalaman kong niloko ka nya because you did not deserve it. Wala siyang karapatang lokohin ka.”
Natahimik ako sa sinabi ni Mike. Totoo bang mahal niya ko? Pero best friends ko siya. At boyfriend ko pa rin si Jeff.
Nang mapansin niyang hindi kao nagsasalita ay hinawakan niya ang kamay ko.
“Pero siyempre kahit ano gawin ko, alam naman nating si Jeff talaga ang mahal mo. Tanggap ko na yun. Kaya nga ang gusto ko na lang ay maging best friend mo. Yung taong laging andyan para sa yo. Huy magsalit ka naman.”
“Bakit ngayon mo lang sinabi yan?”
“Natakot ako noon. Pero simula ng niloko ka nya. Ala kong hindi ka dapat ginaganun ng taong mahal mo at gusto kong malaman mo na hindi lang siya ang lalaki para sayo. Na andito ako nagmamahal sayo.”
“Pero may boyfriend pa ko.”
“Hindi naman na ako nageexpect na mahalin mo. Gusto ko lang malaman mo na may iba pang nagmamahal at nagpapahalaga sayo.”
“Naguguluhan ako.”
“I’m so sorry. Hindi yun ang intension ko.”
“No I know. Hindi na rin talaga ako sure sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung mahal ko pa talaga si Jeff o nasanay na lang talaga ako na kasama siya kay hindi ko siya maiwan.”
“Ikaw lang makakasagot nan. Pero masaya ka pa ba sa kanya?” tanong ni Mike.
“Oo pero kapag ikaw naman ang kasama ko, parang bumabalik yung dating ako. Yung Bryan na hindi nahihiyang tumawa ng malakas. Yung Bryan na tatagal ng ilang oras sa isang toy store. Kapag kasama kita naaalala ko yung iba pang mga bagay na mahal ako at mahalaga sa akin. Simula ng makita kita ulit, naalala ko yung dating ako. Pero hindi pwede Mike. Kami pa rin ni Jeff. I’m trying to make our relationship work.”
“Pero pano kapag ikaw na lang ang sumusubok? Pano pag hindi ka na niya tinutulungan.”
“Hindi ko alam Mike. Hindi ko na talaga alam.”
“Look Bry. Hindi lang siya ang may kayang magmahal sayo.”
“Ako na lang ang inaasahan ni Jeff. Wala na siyang ibang makakasama.”
“Hindi mo siya responsibilidad.”
“Hindi ko alam. Naguguluhan ako.”
“Pag-isipan mo mabuti Bry. You are entitled to your happiness. Tandaan mo yan.’
Pag-alis ni Mike ay hindi na ko tumigil sa pag-iisip. Mahal ko pa nga ba si Jeff? Mahal ko nga ba si Mike? Noong college pa kami, inamin ko naman sa sarili ko na kung hindi ko naging kaibigan si Mike ay talagang magkakagusto ako sa kanya. Natakot lang ako noon na masira ang pagkakaibigan namin. Siguro nga ay mahal ko rin siya noon pa. Nakalimutan ko lang ang nararamdaman kong yun para sakanya ng makilala ko si Jeff. Si Jeff. Ang taong nagpabago sakin. Mahal ko pa ba talaga siya o natatakot lang ako malaman kung ano mangyari kapag naghiwalay kami? Hindi ko na kilala yung dating ako. Natatakot ako na kapag naghiwalay kami, wala ng tumanggap sa akin, sa kung ano ako. Mahal ko nga ba si Mike? Mahal ko pa nga ba si Jeff? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
Ilang araw ko ng hindi nakakausap si Jeff. Simula pa noong birthday ko ay hindi na siya nagparamdam kaya nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila.
Pag akyat ko sa kwarto niya ay nadatnan ko siyang naliligo kaya naghintay muna ako. Binuksan ko ang computer niya par asana maginternet habang naghihintay.
Automatic na nagsisign in ang messenger ni Jeff kapag binubuksan ang computer. Nagulat ako ng may nag PM sa kanya.
john_83: last night was terrific babe.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya kaya nagkunwari akong si Jeff para malaman kung ano ang ibig niyang sabihin.
jeff: yes. I had a great time as well
john_83: I;m so excited too see you again later.
jeff: oh yes I almost forgot we had to meet.
john_83: haha. Buti na lang pinaalala ko. I want to suck your cock and fuck you hard again babe.
Nagulat ako sa nabasa ko. Hindi tama ‘to. Inulit na naman niya. Niloko na naman niya ko. Sinara ko agad yung chat box at dali-daling umalis.
Ilang minuto pa ay lumabas na si Jeff. Pinuntahan siya ni Manang.
“Nagusap ba kayo ni Bryan? Nagmamadaling umalis eh”
“Nandito si Bry? Bakit daw umalis?”
“Hindi ko alam eh.”
Napansin ni Jeff na bukas ang computer niya at nalaman na niya ang dahilan ng pag-alis ni Bryan ng may nagPM ulit sa kanya.
john_83: still there? Anyway, see you later babe.
Habang nasa taxi ay tumawag si Jeff.
“Ang kapal ng mukha mo. Niloko mo ulit ako.”
“I’m sorry Bry. Asan ka? Pupuntahan kita sa bahay niyo. Pag-usapan natin to.”
“Wag na wag kang makapunta sa bahay. Wala na tayong dapat pag-usapan. Niloko mo ko. Tapos na tayo.” Binaba ko na ang telepono.
Makailangb eses din pumunta si Jeff sa bahay. Madalas ay nasa opisina ako at kung minsan namang nasa bahay ako ay sinabihan ko si mama na sabihing wala ako doon. Ilang beses din niya kong pinuntahan sa opisina pero hindi ko na talaga siya kayang harapin. Text siya ng text sa akin
Jeff: Bry please forgive me. Kausapin mo naman ako.
Jeff: Sorry na. Mahal na mahal kita.
Jeff: Please kauspain mo ko. Let me explain.
Para sa akin, hindi na kelangan ng eksplanasyon ng ginawa niya. Tama na ang lokohan. Tanga lang ako para maniwalang hindi na iya uulitin ang ginawa niya. Tanga lang ako para isipin na mababalik pa namin sa dati ang relsyon namin.
Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin ako tinatantanan ni Jeff. Tawag pa rin siya ng tawag at text ng text. Hindi na siya pumupunta sa bahay. Marahil ay busy na rin ang gago dahil sa thesis niya.
Isang araw ay nakareceive ako ng text mula sa kanya, inaaya nya ko pumunta sa isang lugar.
Jeff: Bryan, pupunta ako ng Ilocos para sa thesis ko. Gusto ko kasama kita. Please. Alam kong mahal mo pa ko. At kung talagang mahal mo pa ko, magkita tayo sa Greenbelt bukas 3pm. Please. I love you.
Makalipas ang isang oras ay nakatanggap naman ako ng text kay Mike
Mike:Musta ka na Bry? I haven’t heard from you since your birthday. I just want to know if you’re doing fine. Anyway. Bukas na yung opening ng toy shop. I want you there.
Mukhang dumating na ko sap unto kung saan kelangan ko mamili. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Hindi ko alam kung kayak o pa bang pumili kung sino sa kanilang dalawa. Yung taong nagmahal at nagbago ng kung sino ako o yung taong laging andyan at tanggap kung ano ako? Kelangan ko ba talagang pumili? Siguro nga.




“Hoy Pogi, musta ka na? Bongga may ganito ka ng pinagkakaabalahan ah!”
“Buti na lang nakapunta ka. Asan na yung iba?”
“Ayun nag CR lang.”
“Ah ok. Sige upo ka muna.”
“Asan si Bryan?”
“May binili lang. Pabalik na din yun”
*****
“Hoy Alvin, buti naman nakapunta kayo,” bati ko kay Alvin.
“Malamang. Namiss kita gaga,” sagot ni Alvin sabay yakap sa akin.
“Asan sina Sarah?” tanong ko.
“Andyan lang yun sa tabi-tabi. Ang tagal niyo na rin ‘no? Akalain mo yun,” pang-aasar ni Alvin.
“One year,” tugon ko.
“Hay naku. Noon pa kita nilalandi tapos kay Bryan ka lang pala babagsak. Sa bagay gwapo din yang si Bryan.
“Pasaway ka talaga Alvin kahit kelan,” patawa kong sabi.
“O siya sige Bryan. I concede. After all these years, give up na ko. Sayong sayo na ang Papa Mike ko.”




End.......................

Php forms powered by 123ContactForm.com | Report abuse