Fans

Thursday, June 21, 2012

The Past


Naniniwala ba kayo sa kasabihan na "first love never dies"? Sa dinamidami ng taong tinanong ko, hati ang sagot nila. May sumagot ng "oo" at may sumagot ng "hindi". Eh sa "love is lovelier the second time around"?. Gaunu din nman ang sagot nila. Hati pa rin. Bakit ko nga ba tinatanong ito sa inyo?. Kasi tinanong ko din ito sa sarili ko. Para sa akin parehas akong naniniwala ditto. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawang kasabihan na yun?
Ako nga pala si Harold(di ko tunay na pangalan)16 years old ako nung nangyari ang lahat ng kasiyahan at kasawian sa buhay ko.
4th year highschool nun,sa wakes! Kabado ako nun kasi siyempre 1st day of class eh at saka mga bagong classmates ang makakaharap ko. At ditto ko nga nakilala si Andrew(hindi nyarin tunay na pangalan) 3rd year palang nakikita ko na itong si Andrew pero parang wala lang naman eh. Ayun, so inayos na ang sitting arrangement namin. Prehas kami ng simula ng surname(di ko na babanggitin kung ano yun. Nasa harap ko siya. Dahil siyempre bagong classmate,tahimik lang ako. May classmate kami si edmar. Lagi nya akong tinutukso kaya binabara ko siya. Ewan ko ba,sa tuwing ako ang nagsasalita lahat sila natatawa at alam ko na natatawa rin itong si Andrew ayaw lang ipakita.
And then days goes by. Ang daming nangyari. Nagging close kami ni Andrew, nagkukulitan,nagbibiruan,naghaharutan. Tapos nagging issue pa kaming dalawa. Pero wala lang sa amin yun. Tuloy pa rin ang closeness naming.
Isang araw tinanong ako nung friend ko kung may gusto ba daw ako kay Andrew. Ang sagot ko naman "ako? Magkakagusto dyan? Hindi ah! Bakit naman?"
Minsan may isang taong nagkagusto sa kanya. (bisexual din) dahil sa alam niyang close kami ni Andrew,nagpatulong siya sa akin kay Andrew. Pumayag naman ako. Pero sa totoo lang, ang bigat nung pakiramdam ko nung pumayag ako.
Pinaglalapit ko silang dalwa parati. Pero sa tuwing ginagawa ko yun,ako naman ang napapalayo sa kanya. Parang naiinggit ako kapag magkasama sila. Kahit na pinapakita ko na masaya ako para sa kanila, ang totoo, umiiyak ako.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Nagseselos ba ako? Hindi ko din alam.
Isang araw dinaanan si Andrew nung kaibigan kong may gusto sa kanya. Lumayo na ko pero nasa kanila pa rin ang tingin ko. Nag uusap sila hanggang sa narinig ko na sinabi ni Andrew na "kalimutan mo na ko, ayaw kitang paasahin sa wala."
Nakita ko ang luha sa mga mata ng kaibigan ko nung lumabas siya ng classroom. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinugod ko si Andrew.
"bakit mo ginawa yun!" tanong ko. Hindi agad siya nakasagot at nakayuko lang. "ano ka ba! Tinatanong kita!" "kasi ayaw ko siyang saktan" "ayaw mong saktan? Eh sinaktan mo na nga siya eh!" "Anong gusto mong gawin ko? Ayaw ko ding saktan ang sarili ko." "bakit ka masasaktan? Pasalamat ka nga maraming nagmamahal sayo eh at....." "at ano?" ako naman ang hindi nakasagot. Nagsalita siya, "at saka ayokong lokohin ang sarili ko dahil hindi ko naman siya mahal eh" Nabigla ako sa sinabi nya at ewan ko ba at sabay bigla kaming nagkatitigan. Tapos nagsalita ukit siya, "may mahal akong iba..."
Alam ko na nung time na yun may babaeng na lilink sa kanya.
"si arriane ba?" tanong ko habang umiiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ako napaiyak eh.
Hinawakan niya ako sa braso at umalis na. walang tigil sa pagpatak ang luha ko nun.
Wala akong imik nung araw na yun. Kinagabihan, nag text siya sa akin at nag sorry siya. Hindi ako nag text back sa kanya. Hindi ako makatulog nun. Dahil siya ang laman ng isip kp. Nakatulog akong umiiyak at maging sa panaginip ko,siya pa rin ang nakikita ko.
Imula noon madalang na kaming nag uusap. Iniiwasan ko na rin siya eh. At sa tuwing magtatangka siya na kausapin ako,agad akong lumalayo. At binaling niya ang atensyon niya sa ibang babae. Hindi ito si arriane, si nica ito. Minsan,nagkayayaan na mag inuman sa bahay ng kaibiga naming. Nag iisa ako nun at yun kinausap niya ako.
"sasama ka ba?tanong niya "hindi siguro" "galit ka ba?" nahahalata ko sa boses niya ang lungkot. "ako? Bakit ako magagalit sayo? As if naman na may relasyon tayo diba?" "bakit wala ba?" "friendship..." "friendship?" napatanong siya.
Dumating yung mga friends naming kaya hindi na natuloy yung pag uusap naming. At dahil dun,hindi na ako nakatanggi at sumama na rin ako.
Si nica at Andrew ang lagging magkasama.nasasaktan ako ayaw ko lang ipakita. Dumating na kami sa bahay nung friend naming at nagsimula na ang inuman. Habang umiikot ang tagay iniisip ko lahat lahat ng hinanakit ko na nagging dahilan kaya ako nalasing agad. Napatakbo ako sa labas para sumuka. Suka ako ng suka hanggang sa may humawak sa balikat ko.
"ok ka lang?" sin drew pala. "gusto mo iuwi na kita?" "pwede ba ayos lang ako. Saka wag mo akong pakialaman bumalik ka na doon sa loob dun sa nica mo!" "what?" "eh diba syota mo yun?" "ha? Bestfriend ko si nica ok." Tapos naisip ko bigla, ako yung best niya ah bakit ganun? "bestfriend kaya pala ang sweet sweet nyo." "nagseselos ka ba?" "wag ka ngang nagbibiro pwede?" aalis sana ako pero hinawakan niya ang braso ko sabay sabing "mahal kita..." para tuloy biglang nawala yung pag kalasing ko. "bitiwan mo ko Andrew, please" at binitawan nya ako. Pumasok ulit ako sa loob kasunod siya. Kinuha ko yung gamit ko at nag ayos. "sige guys uuwi na ko" Nag alala sila sa akin dahil sa lasing ako. "anong nangyari?" tanong ni nica kay Andrew. "Andrew lasing yun! Sundan mo kaya!" pero ayaw niya kaya si nica na ang humabol sa akin. "Harold teka sandali!" huminto ako. "anong kelangan mo?’ "mahal ka ni Andrew" "pwede bah wag ka ngang plastic! Halata naming gusto mo siya eh!" bigla siyang umiyak. "oo gusto ko siya pero anong magagawa ko kung ikaw ang mahal niya diba? Maswerte ka dahil ikaw ang minahal niya. Sana naman maramdaman mo yun" tapos umalis na siya.
Pero dahil sa sulsol ng mga kaibigan niya nagging sila ni arriane. Hindi naman ako galit sa kanila eh. Galit ako sa sarili ko. At dahil dun, natuto niya akong kalinutan.
Dumating ang araw ng graduation at nagkaroon kami ng pagkakataon para makapag usap. Hinatak niya ako sa isang sulok. "bakit mo ko dinala ditto?" "Harold magkakahiwalay na tayo" "kinalimutan mo na ako diba?" "oo. Pero sa huling pagkakataon, pwede ka bang mahalikan?" tumanggi ako. "hindi na kailangan. Hindi na."
AFTER 1 YEAR 2nd year college na ako at sadyang mapagbiro ang tadhana dahil dumating ang isang di inaasahang pagkakataon. Sa p.u.p ako nag ral. Minsan ginabi ako sa pag uwi. Nag tetext ako nun habang naglalakad.pinaligiran ako ng tatlong lalaki. "tulomg!" Tinangka nila akong nakawan at bugbugin pero isang lalaki ang dumating at pinagtanggol ako. At laking gulat ko. "Andrew? "Harold?" Pero sa totoo lang wala na akong nararamdaman para sa kanya. Magkalapit kami ng bahay kaya sabay na kaming umuwi. Habang nasa byahe nagkwentuhan kami. "tagal momg hindi nagparamdam ah" "ayoko ng guluhin pa yung relasyon nyo ni arriane, kamusta nap ala kayo?" "wala na kami" "hah? Bakit?" "I realized,hindi kop ala siya kayang mahakin eh."
After 5 months tinext niya ako bigla. Magkita daw kami sa may 7-11. pumunta naman ako. Tuwang tuwa niya akong sinalubong. "bakit ang saya saya mo?" "ditto na ako mag aaral. Nag pa transfer na ako ditto." Hindi ako nakapagsalita if I know sinusundan niya lang talaga ako. "hindi ka ba natutuwa? Para may kasabay ka na lgi umuwi." "hay? Syempre masaya ako. Diyos ko!ano ba ito? Bakit mo lit kami pinagtagpo?
Isang araw nag practice kami ng cheering. Kasama ko si Andrew. Todo alaga siya sa akin. Siya nagpupunas ng pawis ko. Tagabili ng pagkain at tubig.
"oh di ka pa ba uuwi Andrew? Baka matagalan pa ako ditto." "ok lang sasabay na ako sayo." Ng biglang dumating si dhenmar. "Harold!" "ui bat ngayon ka lang?" nagpunta agad ako sa kanya at nag kiss kami. Alam kong nagtaka si Andrew sa nakita niya. "Harold sino siya?"
tanong ni Andrew "ai siyanga pala Andrew, si dhenmar boyfriend ko."
Nabakas ko sa mata ni andrew ang luha. Nabitawan din niya ang hawak niyang tubig. Kinuha niya ang gamit niya at tumayo.
"akala ko ba...." "mauna na ako."
Galit niyang sagot at mabilis na naglakad palayo.
"andrew teka!" sinundan ko siya." Andrew sandali hinihingal na ako!" "dun ka na sa dhenmar mo." "ano bang problema mo ha!"
Himala! Parang bumaligtad ang mundo namin.
"alam mo kung anong problema ko?? Ikaw!!!!" "anong ginawa ko sayo??"
At bigla siyang napaiyak.
"bakit kasi ang hirap mong kalimutan eh. Alam mo ba kung gaano kahirap mabuhay ng wala ka? Hindi mo alam, yun." "diba nga tapos na tayo noon pa?" "yun din ang akala ko... pero hindi eh. Ikaw ang nagbigay ng halaga sa buhay ko. Harold ikaw ang nasa puso ko." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa puso niya. At napaiyak na din ako. "bakit ngayon mo lang sinabi? Ang tagal kong hinintay na sabihin mo yan." At lalo akong napaiyak ng isang kanta ang isinagot niya sa tanong ko. "I was wrong when I hurt you. Do you have to hurt me too?..." "pero committed na ako Andrew." "aminin mo sa akin, hindi mo siya mahal." "Andrew mahal ko siya" "hindi Harold." "ok Andrew! Ano ba bitawan mo nga ako!"
Hinalikan nya ako na nagustuhan ko dahil puno iyon ng pagmamahal.
"ngayon mo sabihin, sinong mahal mo? Ako o siya?" "ikaw Andrew. Mahal kita. Mahal na mahal kita alam mo yan sa sarili mo." Without knowing kanina pa pala nandun si dhenmark. "Harold...." "dhenmark?" "its ok Harold. Naiintindihan ko. Kayo ang dapat na magmahalan. Mahal kita kaya para sayo, handa akong magparaya... kung doon ka liligaya."
Laking pasalamat k okay dhenmark dahil naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Pero bakit ganun? Kung kelan ok na ang lahat, saka pa ako nagkaroon ng problema... may cancer pala ako hanggang sa unti unting nalalagas ang buhok ko. At namumutla ang katawan ko.
"Andrew kelangan ko munang umalis ha, pero sana wag kang iiyak ha.." "Harold wag kang nagsasalita ng ganyan. Hwag mo kong iiwan."
"magkikita pa naman tayo diba?..... doon sa langit hihintayin kita ha..." Hinawakan ko siya sa kamay ng mahigpit. "Andrew I love you...."
Lumuha siya at sinabing, "mahal din kita" at hinalikan niya ako.
At ng mapanatag na ang loob ko, doon na ako namahinga,
"Harold? Harold?"
At bumuhos ulit ang mga luha sa mga mata ni Andrew.
"Harold..." umiiyak siya habang sinasambit niya ito, "mahal kita Harold. Bakit mo ko iniwan agad? Madami pa akong mga pangarap para sa atin.... Harold bakit??!!!"
Pero sadyang ganun talaga ang buhay, may expiration date. Nauna lang siguro ako ma expired.
Sana sa lahat ng taong nagmamahalan, huwag kayong mag alinlangan sa inyong nararamdaman, dahil kapag huli na ang lahat, tayo rin ang magsisisi. Aminin sa ating sarili na nagmamahal tayo at kahit anong mangyari, mahalaga na magpakatotoo tayo sa ating mga sarili kahit ano pa ang ating sekswalidan at kahit anupaman ang sekswalidad ng taong ating minamahal...
End...

Php forms powered by 123ContactForm.com | Report abuse