Fans

Tuesday, August 28, 2012

Ang Kolboy



By: Aris




Tuwing Sabado, lagi ko siyang nakikita sa bar.

Kagaya ko, mag-isa, umiinom, naghihintay.

Ang kaibahan nga lang, boyfriend ko ang hinihintay ko at siya ay customer.

Habang naghihintay, nagkakatinginan kami, nagkakatitigan.

Pero never kaming nagkangitian o naging friendly.

Ang tahimik naming pagmamasiran ay mapuputol sa pagdating ng aking boyfriend.

Maya-maya pa, darating na rin ang kanyang customer – bago na naman.

At pagkatapos, sila ay aalis.

Hahabulin ko siya ng tingin.

***

Sabado na naman at muli, naroroon kami sa bar.

Dating gawi, pinagmamasdan ang isa’t isa habang nagpapatay ng oras.

Nakakatatlong bote na ako, wala pa rin ang aking boyfriend.

Dumating ang kanyang customer.

Nag-usap sila, nag-tig-isang bote muna bago tumayo.

At habang papaalis, sumulyap siya sa akin.

Nagtataka marahil kung bakit mag-isa pa rin ako.

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong nagtungo sa bar. Hindi upang maghintay kundi upang magpakalasing.

Hiwalay na kami ng aking boyfriend. May ibig palang sabihin ang naging paghihintay ko sa wala.

Muli, naroroon siya, nasa kalapit-mesa, nakatingin sa akin.

At dahil nakakarami na ako ng beer, naging mapangahas akong tawirin ang katahimikang matagal nang namamagitan sa amin.

“Hi,” ang bati ko sa kanya. At kahit parang nagulat, ngumiti siya.

Tumayo ako, bitbit ang iniinom, at lumapit sa kanya.

“Can I join you?” ang sabi ko sabay muwestra sa bakanteng upuan sa harap niya.

“Sure.”

Nagpakilala ako. Nagpakilala rin siya.

“Hinihintay mo ba siya?” ang tanong niya.

“Hindi siya darating,” ang sagot ko.

“Bakit?”

“May iba na siya.”

Napatingin siya sa akin, mataman, subalit hindi nagsalita.

“Ikaw, may hinihintay ka?” ang tanong ko.

“Wala,” ang sagot niya.

“Bakit naririto ka?”

“Nagbabakasakaling makahanap ng booking.”

Hindi ako umimik.

“At saka…” Sandali siyang tumigil.

Na-curious ako. “At saka ano?”

“Gusto rin kitang makita.”

***

Nang yayain niya ako sa motel, hindi na ako nag-isip.

Malungkot ako at kailangan kong makalimot.

Subalit nang maghubad na siya, na-realize ko na hindi iyon ang rason kung bakit ako sumama.

Attracted ako sa kanya at may pagnanasa. Hindi iyon maitatanggi ng aking erection.

Lumapit siya sa akin, nagyakap kami at naglapat ang mga labi. Nagkiskisan din ang aming mga ari.

Pinahiga niya ako at pumatong siya sa akin. Nagsimula niya akong paligayahin.

Sa mirrored ceiling, pinanood ko ang nagaganap sa amin.

Maya-maya pa, naglililiyad na ako at nagkikikislot.

Sa eksperto niyang pag-angkin, lumutang ako sa ulap at narating ko ang langit.

***

“Magkano?” ang tanong ko pagkatapos.

“Hindi mo ako kailangang bayaran.”

“Bakit?” Kumunot ang noo ko.

“Dahil kusa ang naging pagbibigay ko sa’yo. Hindi pagseserbisyo.”

Hindi ako sumagot pero nagtatanong pa rin ang mga mata ko.

“Matagal na kitang gusto,” ang dugtong pa niya.

Bahagya akong natawa. Hindi ako naniwala.

Dumukot ako ng pera sa wallet at iniabot sa kanya. Hindi siya tuminag, nanatiling nakatayo at nakatingin sa akin.

Inilapag ko ang pera sa side table at nagtungo ako sa banyo upang mag-shower.

Paglabas ko, wala na siya.

Naroroon pa rin ang pera.

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong nagtungo sa bar.

Kaagad ko siyang hinanap.

Wala siya, bakante ang kanyang mesa.

Buong gabi akong naghintay.

Subalit hindi siya dumating.






End...........

Php forms powered by 123ContactForm.com | Report abuse