Fans

Thursday, June 21, 2012

Nagmahal Ako At Nagparaya


Good day to everyone!
Nangyari tong kwento ko nung 2 year high school ako. Ngayon ay 22 yrs old na ko na namumuhay kasama ang partner ko. Wala akong masyadong luho sa katawan... isang payak na manggagawa na minsang nakatagpo ng pag-ibig na hanggang ngayon ay di ko makalimutan.
School year 2000-2001 ng maganap ang di ko inaasahang bagay na nakapagpabago sa takbo ng aking buhay. Alam sa bahay namin ang pagiging gay ko di man namin napag-uusapan alam ko na alam nila kung ano ako. Pero pinipilit ko na mabuhay ng normal para kahit papanu eh maging proud sila sakin na kahit ganito ako eh nagawa ko namang magpakadisente.
January ng 2001 bday ng kuya ko na panganay...madaming bisita si kuya kasama na dun AVP na syang BFF ng kuya ko. Madali akong na atract sa bisita ng kuya ko na yun...di naman sya gwapo pero merong iba sa kanya na di ko rin maipaliwanag kung ano. Hanggat maaari eh di ko sya pinapansin kasi baka masita ako ni kuya. Sweet sakin yung kuya ko na panganay... minsan pa nga sya ang tagapagtanggol ko sa mga kaaway ko nung bata pa kami...yun siguro yung dahilan kung bakit ganun nalang ang takot ko sa kanya dala na rin ng respeto ko sa kanya.
Pagkalipas ng ilang oras nilang inuman eh pinalapit ako ng kuya at pinakilala sa mga kabarkada nya at dun ko nalaman yung name nung crush ko sa kanila...AVP ang name nya (initials). Tuwang tuwa ako nun...di ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang saya! hanggang sa nalaman ko kay kuya na bukang bibig ako ng BFF nya...na kesyo mukhang mabait daw ako...na mukhang matalino...etc..etc...pero di ko yun pinansin kasi baka mamaya eh dala lang yun ng kalasingan nya...
Lumipas yung gabing yun...mula nun parati ko ng nakikita sa bahay namin si AVP. Parati silang magkausap ng kuya ko...hanggang sa nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap.. nagkapalagayan ng loob...nagpalitan kami ng number at naging mag textmate kami... nung time na yun ang cellphone ko eh 3330..cheap na yun kung gagamitin mo sa ngayon.. Di nagtagal eh nahulog na ko ng husto sa kanya...as in yung ang unang pagkakataon na nainlove ako..ganun pala yung pakiramdam...di kao nakatiis kaya sinabi ko yun sa kanya at ang sabi ko pa nga eh wag sabihin kay kuya kasi magagalit yun pihado. Pero nagulat ako sa sagot nya...di ko akalain na nagiging positive yung response na makukuha ko sa kanya...

Eventually naging kami...pinaramdam nya sakin kung panu mahalin...sunod lahat ng gusto ko nun dahil mas matanda sya sakin ng ilang taon. May computer business na sya nun kaya pag may project ako sya pa talaga ang gumagawa. Langit talaga ang pakiramdam ko nun.. pero after several months ng pagiging mag bf namin may nalaman ako na kinagalit ko sa kanya...Si kuya pala ang dahilan kung bakit pumayag sya na maging kami. Set up pala ang lahat. Pero pinilit nyang ipaintindi sakin na di sya napilitang gawin yun kasi mahal naman nya daw talaga ako...pero naging bingi ako nung panahon na yun ayoko syang pakinggan kasi pakiramdam ko napaglaruan ako...
Hanggang muli kaming nakapag-usap inisa isa nya lahat ng issue na di namin nagawang pag usapan ng maayos...sinabi nya sakin na kaya sya pumawag na makipagrelasyon sakin dahil mismong ang kuya ko daw ang naghahanap ng magiging partner ko dahil ayaw daw ng kuya ko na lokohin lang ako ng mga makakarelasyon ko... Naging panatag si kuya kay AVP kaya sinabihan nya daw ito na sya na lang ang maging partner ko dahil alam naman daw ni kuya na di ako lolokohin ni AVP. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko... dapt ba akong magalit dahil sa buong pag aakala ko eh di set up ang lahat o dapat ba akong matuwa kasi ganun nalang yung concern ng kuya ko sakin na sya pa mismo ang naghahanap ng magiging partner ko.
Inamin sakin ni AVP na nung una napilitan sya...pero unti unti daw nya ako natutunang mahalin...gulong gulo na ang utak ko ng panahong yun pero isa lang ang alam ko, na mahal ko pa rin si AVP at di yun basta basta nalang mawawala. Pumayag ako na maging kami ulit...naging maayos ang lahat. naging perpekto ang lahat pero duamting ako sa punto na parang naisip ko na bakit nga ba kinukulong ko tong taong to sa pag mamahal ko...alam ko na di gay si AVP at alam ko kung ano rin ang talagang hinahanap nya at yun ay ang mag karoon ng sariling pamilya. Ewan ko ba kung bat naiisip ko yung bagay na yun...sabi ko nga sa sarili ko na kahit anong gawin namin wala akong maibibigay sa kanya na buong pamilya.. Sinabi ko sa kanya kung ano man yung nasa isip ko...at nag desisyon kami na mag hiwalay pansamantala... Ang sabi ko sa kanya eh humanap sya ng babaeng mapapangasawa nya..yung pwedeng makapagbigay sa kanya ng pamilya...at pag di sya nakahanap...balikan lang nya ako...maghihintay ako...
Yun na ata ang pinaka malungkot ng yugto ng buhay ko...sobrang sakit pala...alam ko naging mali yung desisyon ko...dahil pinangunahan ko sya...pinangunahan ko yung nararamdaman nya..lumipas ang mahigit isang taon nalaman ko na malapit na syang ikasal...gumuho lahat lahat...bakit ganun? akala ko babalik pa sya...pero wala na ko magawa dahil alam ko na sakin nagsimula lahat ng ito...di ko matanggap pero ito na siguro yung ending ng lahat.
Mmalungkot na malungkot ako ng panahaon na yun.. Isang araw nagtext sya sakin...at sabi nya eh magkita daw kami at pumayag naman ako...sa the fort kami nagkita..wala pang nakatayong mga buildingnun sa the fort...malawak at bakanteng lupa pala nun yun after tanggalin lahat ng mga military offices sa part na yun ng fort bonifacio. nag usap kami..naging emosyonal ako nung time na yun..di ko mapigilang umiyak..umiyak ako ng umiyak...iyak na wala na yatang katapusan. di matapos ang iyak ko...ilang mga salita lang nag narinig ko sa kanya... "mag iingat ka parati...wag mong hayaang lokohin ka nila...." at parang eksena sa pelikula...bumuhos ang ulan...nabasa kami...magkayakap sa gitna ng kawalan....
Ilang araw pag katapos nun ikinasal na sya...at galing sa kasal nagkakwentuhan kami ni kuya...sinabi nya sakin na may pinatayong bahay si AVP...yun sana yung bahay na titirahan namin sa Isabela kung di kami naghiwalay.. pero dahil natapos sa amin ang lahat ni AVP, ay sa Misis na nya ito napunta..dun na sila titira ng asawa nya... Manghinayang man ako wala na kaong magagawa ...tapos na ang lahat...pinalampas ko yung pagkakataon na alam ko na minsan lang dadaan sa buhay ko...
Sa ngayon nakakapag-usap pa kami kahit paminsan minsan...at ngayon eh may partner na ko at ngayon ay mag dadalawang taon na kami...

Php forms powered by 123ContactForm.com | Report abuse